C H A P T E R 29

1.5K 16 1
                                    


CHAPTER 29

WHITE crop top at blue demin jacket ang suot ko sa upper ko while sa bottom ay cargo pants. Nagsuot ako white chelsea boot at may suot pa ako na black baseball hat.

Kinuha ko ang phone ko sa black Prada mini bag. Kumuha ako ng picture sa crowds kasama ang stage. Puno ang buong araneta at lahat ay excited sa gaganap.

Nagsimula ng mang-ingay ng biglang dumilim ang paligid hanggang sa bumukas ang ilaw sa stage. Naka white sleeveless shirt at naka white slim fit jeans si Chase. Inalis niya ang shade sa mukha tapos nilagay sa ibabaw ng ulo niya. Ang laki ng ngisi ng loko dahil sa sobrang ingay ng buong araneta dahil sa ginawa niya.

Lumapit siya sa may hagdan at duon umupo. "Hi-" mas lumakas pa ang tili nang batiin kami ni Chase. Nag echo naman ang tawa niya.

"Good evening, starlight!" malakas niyang bati sa amin sabay tawa.

"Wow... ang dami ninyo. Thank you po. Thank you po sa pagpunta, kaya uuwi na tayo ngayon--" agad naman ng react ang buong tao sa araneta.

"I'm just kidding, starlight. Alright. Are you ready?!"

"Yes!

"Wahhhh"

"ARIES!

Kanyang kanya sagot ang mga fans sa tanong ni Chase.

Tumawa si Chase at kumaway sa fans na nagsisigaw. Dumilim uli ang stage at bigla nalang may tunog ng isang electric guitar. Sumabay narin ako sa sigaw at tili ng fans nila. Tuwing nasa concert ako nila parang naiibang tao ako. Sobrang iba ko kapag nasa trabaho at tuwing nandito sa concert.

Muling umingay nang bigla ng tumunog ang electric guitar at bumukas ang ilaw sa gate. Oh my god! He's wearing a black sleeveless shirt and faded blue ripped jeans while he's holding the guitar.

Lumapit siya sa may nakatayong mic at ngumiti. Umiwas ako ng tingin. He's so freaking hot! Napalunok ako nang makita ko ang mukha niya sa big screen.

"How are you, starlight?" paos niyang tanong sa amin kaya hindi mapigilan ng mga fans na tumili ng tumili.

"Okay pa kami sa okay!"

"Wahhh!"

"T! We love you!"

Pagkatapos ng concert nila, alam kong lahat ng nandito ay mapapaos ang boses. Kakasimula palang ng concert nila pero parang mawawalan ng boses ang mga fans nila.

"Alright. Ready for our solo performance?"

Sabay sabay na tumili ang mga tao na nasa araneta na kahit na ibabaw ko parang masisira ang tainga ko sa sobrang lakas ng sigaw nila tapos yung mga katabi ko ay hindi rin nagpapahuli kaya napatabon ako sa tainga.

"Okay. Starlight, sing with me."

He started to stum at pumikit.

There I was, an empty piece of a shell

Just mindin' my own world

Without even knowin' what love and life were all about

Then you came

You brought me out of the shell

You gave the world to me

Lumaki ang mata ko nang bigla siyang umangat ng tingin sa deriksyon ko. O assuming lang ako. At tsaka hindi naman alam niyang nandito ako at naka cap pa ako.

You gave me a reason for my being

And I love what I'm feelin'

You gave me a meaning to my life

Loving the Star (Montenegro Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon