CHAPTER 2
"KYLE! Wag kang lalapit sa'kin!"
Umatras akong habang tinuturo si Kyle. Alam kong malakas ang loob kong tumakas sa gabi na walang paalam sa mga kuya ko pero wag lang yang hawak ni Kyle ngayon.
"Lumapit ka, mahal na Senyorita. Lapitan mo ang prince mo." may ngising saad ni Kyle sa'kin.
Napaupo ako at napasandal na sa kahoy. Umiiling ako sa'kanya at naiiyak na sa takot.
"No! Kyle, warning you! Wag kang lumapit sa'kin!"
Umiiling siya at tumawa pa. "Halika dito, Senyorita. Hawakan mo ang prinsipe mong palaka."
Nang may nahanap akong maliit na bato ay tinapon ko ito malapit sa deriksyon niya mabuti nalang at hindi siya natamaan.
"No! Kyle!" Sigaw ko ng naramdaman ko ang paglapit niya.
Nakatakip na ang mukha ko gamit ang kamay kong malaming. Ayaw ko talaga sa palaka. Halos napatalon ako sa gulat ng hawakan niya ako kaya tuloy hindi ko mapigilan ang mapasigaw at naiyak.
"Wala na. Wag kanang umiiyak. I'm sorry. Wala ng palaka."
Umiiling ako at napahikbi.
"I'm sorry. I'm sorry na, Alexa."
Saad niya habang nakayap na sa'kin. Kinalma ko naman ang sarili at sinuntok siya ng mahina sa likod niya. Tinulak ko siya at nasira naman ang mukha ko nang matanto na hinaplos niya ang likod ko gamit ang kamay pinaghawak niya sa palaka kanina.
"Eww. Ilayo mo yang kamay mo sa'kin!"
Tinignan niya ang kamay niya bago hinarap sa'kin kaya iniwas ko ang mukha ko. Narining ko naman ang tawa niyang mahina kaya naiinis akong tumayo sa pagkakaupo.
Ang sabi ni Lolo Emmanuel nasa manokan si Kyle kaya pinuntahan ko siya pero bigla ko nalang siyang nakitang pauwi tapos may dalang palaka. Kaya tuloy tumakbo ako palayo ng hinabol niya ako habang hawak ang malaking palaka. Hindi naman masyadong malaki ang palaka pero para sa'kin ang laki-laki na nito.
"Takot ka sa palaka, pero hindi ka takot umalis sa gabi nang walang paaalam."
Ngumuso ako. "Eh, kasama naman kita." mahina kong bulong.
Kumunot naman ang noo niya. "Ano?'
Mabilis akong umiling sa'kanya. Nakita ko naman ang pagpunas niya sa pantalon yung kaliwang kamay na gamit niya kanina sa paghawak sa palaka.
"Manhid na nga bingi pa." bulong ko uli.
Kumunot naman ang noo niya. Tumawa ako ng pilit at napatingin-tingin sa iba't-ibang deriksyon. Tumalikod na ako at nagsimula ng lumakad.
"Galit ako sayo! Akala mo ha!" sigaw kong habang hindi mapigilan ang ngiti ko sa labi.
"Nag-sorry naman ako!"
"Eh, ano naman! Basta galit parin ako sayo! Alam mong takot ako sa palaka, tapos tinatakot mo pa ako!"
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likod ko kaya mas binilisan ko pa ang hakbang ko but it was too late because he already hold my wrist. Hinawakan niya ang pulsohan ko gamit ang kanan kamay niya, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"I'm sorry na nga. Hindi ko na ulit uulutin 'yon. I promise, Senyorita."
Nanliit ang mga mata ko. Dahan-dahan naman niyang binitawan ang kamay ko kaya mabilis akong tumakbo sa deriksyon niya.
"No!" sigaw ko sagot habang tumakbo palayo sa kinatatayuan niya.
Lumakas ang tawa ko nang simulan niya akong habulin.
![](https://img.wattpad.com/cover/259696517-288-k352835.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving the Star (Montenegro Series # 2)
RomanceThomas Kyle Montenegro has a dream to become a singer. He's just a poor boy wishing to be a star. But he didn't stop from dreaming because of his supportive girl bestfriend name Alexandra Gail Del Vega a girl who has a secret feelings for him. A gi...