Another story naman ang natapos natin! Thank you po sa lahat na sumuporta, nagmahal, nagvotes, nagreads, at nagcomments. I really appreciated po. Kyle and Alexa's story was challenging for me pero, sobrang naenjoy ko siyang isulat. Actually, napatanong ako sa sarili ko nung nasa Chapter 5 to 10 na ata ako. Kaya ko ba itong tapusin? Kasi sobrang iba nito sa dalawang story na naisulat ko. Iba yung setting. Pero tignan mo naman ngayon, nasa epilogue na pala tayo. At parang ayaw ko na silang bitawan. So yeah...enjoy this epilogue.See you in my next story!
-tres.
EPILOGUE
NAKAHAWAK AKO sa kamay ni Lolo habang papasok kami sa malaking mansion ng mga Del Vega. Hindi ko parin maiwasan mamangha sa mansion nila kahit ilang beses na itong nakita tuwing papasok sa eskwelahan pero iba parin pala habang nasa malapitan na. Paano ba kaya kung nakapasok ako d'yan?
Pinaupo ako ni Papa Lo katabi sa mga trabahante ng Hacienda De Vega. Lahat nagsasaya para salubungin ang pasko. May nagtatawanan, nagiinoman, nagkwekwentohan at may kumain lang ng tahimik sa sulok.
Lumabas ang mag-asawang Del Vega kasama ang batang babae na may suot ng pink na dress. Mukhang magkaedad lang kami kaso mas matangkad lang ako sa kanya ng kaunti. Sa edad limang na taong gulang ay mas mataas pa ako sa seven years old na bata dito.
Sinundan ko lang siya ng tingin nang palapit siya sa akin. Nakangiti siya nung nagtama ang mata namin. Kaya hindi ko maiwasan mapangiti din. Ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang maitim at straight niyang buhok sa mukhna. Matangos ang ilong, maputla ang pulang labi niya, ang ganda ng mata at bagay sa kanya ang kulay ng balat niya. Hindi siya masyadong maitim at hindi din siya masyadong maputi yung sakto lang.
Nawala ang ngiti ko ng nilagpasan niya lang ako. Napakurap ako at tumingin sa likod ko. May kausap siyang lalaki. Ang Senyorito Xandre, ang kapatid ni Senyorita Alexandra Gail Del Vega. Ang babaeng hinahanggaan ko mula sa malayo. Tuwing gabi kapag napapatingin ako sa butuin, siya naalala ko. Dahil kahit nasa iisang lugar lang kami, hindi ko siya lapitan man lang. Bata palang ako pero natuto na akong pangarap, at siya yun. Si Senyorita Gail Del Vega.
Walang malalagyan ang kasayahan ko nung mag grade one kami. Klasmate ko siya. Tuwing pinagmamasdan ko siya kapag kasama niya ang mga Kuya niya ay sobrang masalita niya pero ngayon ang tahimik niya sa upuan. May lumapit sa kanya pero hindi naman niya pinapansin.
Kahit kinakabahan ako ay nagawa ko paring umupo sa tabi niya. Kahit hindi man niya ako kausapin basta makatabi ko lang siya, ayos na.
"Pamilyar ka? Nagkita na ba tayo?"
Namulala at kinakabahan akong napatingin sa kanya. Gulat na gulat ako. Paano kinakausap ako ng crush ko! Kitang kita ko sa malapitan ang dating sa malayo ko lang tinitignan.
Magsalita ka, Kyle!
Napalunok ako bago tumango. Ang torpe ko! Yun ang sabi ni Lolo Emmanuel sa akin dahil hindi ko man lang daw malapitan ang crush ko. Tapos ngayon hindi pa ako makapagsalita.
"Isa sa trabahante ang lolo ko sa hacienda ninyo," wika ko.
Ngumiti siya. "Alexa pala. Or pwede din Gail pero sabi ni Kuya Xandre siya lang dapat ang tumawag sa'kin ng Gail. So, Alexa nalang."
Hindi parin ako makapaniwala na nakakausap ko siya ngayon!
"K-kyle..."
"Ang ganda ng mata mo..."
Uminit ang pisngi ko pati narin ang tianga ko.
Simula nuon naging magkaibigan kami. Hanggang dumating si Tanya nung grade four. Naging magaan din an loob ko kay Tanya dahil pareho natratrabaho ang nagpapalaki sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/259696517-288-k352835.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving the Star (Montenegro Series # 2)
RomanceThomas Kyle Montenegro has a dream to become a singer. He's just a poor boy wishing to be a star. But he didn't stop from dreaming because of his supportive girl bestfriend name Alexandra Gail Del Vega a girl who has a secret feelings for him. A gi...