PROLOGUE

3 0 0
                                    


"Arianne, I would like you to meet Aldred. He's your Tita Cecil's son. Come on, don't be shy... Say hi to him."

Sumilip ang bata na kanina pa nagtatago sa likod ng kanyang ina. Nahihiya, ay panakaw siya kung sumulyap sa batang ngiting-ngiti na nasa harapan nila.

"Go on,"

Mula sa magandang ngiti ay lumingon ang batang babae sa kanyang ina. Marahan siyang umalis sa likod nito. Humakbang paabante para harapin ang batang maihahalintulad ang ngiti sa liwanag ng araw.

"Hi, I'm Aldred," masayang pagpapakilala ng batang lalaki. Nakaguhit ang malaking ngiti sa mga labi niya at para bang galak na galak na makilala ang batasa kanyang harapan.

Nagulat ang batang si Arianne sa sigasig ng kapwa niya bata na si Aldred kaya't bigla siyang namula. Mahigpit siyang napahawak sa laylayan ng kanyang pink na bistida saka napayuko bago mahinang tumugon.

"H-Hi, uhm I'm Arianne... N-Nice to m-meet you," pagpapakilala niya sabay tingin sa ibang direksyon. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi pagkatapos magsalita saka naglikot ang tingin sa paligid.

Napakurap ang mga mata ni Aldred dahil sa pagtataka sa aksyon ni Arianne. Tinitigan niya ang batang babae ng maigi. Makalipas ang saglit ay para bang nakakita siya ng isang makulay na bagay, katulad ng isang bahaghari na nakakapagpasiya sa katulad niyang paslit. Umawang ang bibig ni Aldred dahil sa pagkamangha.

"Mama, she's so pretty, like a doll. Can I be friends with her?" tanong ni Aldred sa kanyang ina na ikinamangha naman nito.

"Oh? Ikaw bata ka ah," natatawang sabi ng nanay ni Aldred bago nangingiting nilingon ang ina ni Arianne. "Hindi dapat ako ang tanungin mo niyan kundi si Arianne."

Nagkikislap ang mga mata ni Aldred na nilingon ang punto ng kanyang pagkawili.

"Arianne, pwede tayo mag-friends?" masiglang tanong ni Aldred saka inilahad ang kanyang kamay. Napatingin naman dito si Arianne bago lumingon sa kanyang ina.

"Are you shy?" tanong ni Aldred.

Tumango si Arianne.

"Don't you have any friends?"

Tumango uli ito.

"Then good para ako ang maging very first friend mo," saad ni Aldred saka kinuha ang kamay ng kausap niya.

Noong una ay nahihiya si Arianne hanggang sa higpitan ni Aldred ang hawak sa kamay niya. Nabigla siya kaya't napatingin siya sa kanyang bagong kaibigan na sinuklian naman siya ng magandang ngiti.

"Mama, Tita Shan mag-play lang po kami ni Arianne ah," paalam ng paslit at hinila papuntang garden si Arianne. Natutuwa namang tumugon ang kanilang mga ina.

"Mag-ingat kayo ha, 'wag maglilikot," paalala ng mama ni Aldred.

Tumungo ang dalawang ina sa may sala kung saan tanaw pa rin nila ang kanilang mga anak. Kakakilala lamang ng dalawang bata sa isa't-isa pero tila mabilis silang nagkasundo. Tawanan dito, tawanan doon, laro rito, laro roon. Nakakatuwa para sa isang magulang kaya mas pinili ng kanilang mga ina na pagmasdan at pakinggan ang kanilang mga inosenteng tinig at halakhak na pampa-relax kesa sa nakasanayang mga klasikong tugtugin.

"Cecil, do you think we should continue?" tanong ni Shan sa mama ni Aldred pagkatapos humigop ng tsaa. Napalingon naman si Cecil sa dalawang bata na masaya ng naglalaro.

"Is it okay for you kung huwag na?" balik na tanong naman ni Cecil. "We don't know what arrange marriage can do. It did well for me but not with you. Natatakot ako sa magiging epekto nito sa anak ko at syempre sa anak mo rin."

Love Connection V1: Is This Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon