V1. CHAPTER 2 - Cotton Candy

3 0 0
                                    

ALDRED'S POV

Dapit-hapon at nag-iilumina na sa daan ang natitirang liwanag ng kulay kahel na mga ulap. Nakatingala ako at nakatingin sa buwan. Unti-unti itong umuukit sa kalangitan. Napakalayo ng buwan pero habang naglalakad ako papauwi ay tila mas malayo pa rito ang nasa isipan ko. Hindi ko kasi maabot isipin kung ano ba talaga ang kinaiinisan ko.

"Screw it!"

Suminghot ako.

Malayo pero mababaw. Ang babaw! Nabababawan ako sa sarili ko. Siguro nga't naapektuhan ako ngayon sa pangaasar ni Carlo pero kung tutuusin ay napakababaw lamang ng dahilan upang mainis ako ng ganito.

"Shit."

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Posible ba 'yon? Posible bang may bumabang anghel sa lupa at ang larawang iyon ang ebidensya?

Bilang isang modelo ay marami akong kasabayan na magagandang babae. Matatangkad, makikinis, mga mukhang artista. Naa-appreciate ko naman ang aesthetics nila pero masasabi ko na walang-wala sila sa babaeng pinakita ni Carlo.

Hindi siya nakangiti sa picture at tila stolen shot nga lang iyon. Chestnut colored hair, pinkish white complexion, doe eyed and fine pinkish lips... Nakaka-in...

Umiling ako.

"Love at first sight mo mukha mo. Love? Gagi,gago, di ko nga alam kung paano 'yon tapos ganoon sasabihin niya?"

Huminto ako sandali nang may magdaang nagtitinda ng binatog. Sa panahon ngayon ay madalang na lamang ang nagtitinda nito sa daan. Masarap at hilig ko ito noong bata ako. Inaabangan ko nga ito sa daan tuwing merienda dahil paano ba naman na ang manong na nagtitinda ay dinaig pa ang mga nagkakarerahan sa bilis niyang mag-pedal.

Asukal o asin? Both ang akin.

Nitignan ko kung nasaan na si Mang Binatog, as usual, malayo na ito at hindi ko na matanaw. Okay lang, wala naman akong balak bumili.

Nagpatuloy akong maglakad.

"Pero a, ang sexy niya nga saka may boobs daw? Ano nga ba? Pwede na rin siguro... Kung may physical form yung love, soft siguro 'yon tapos maputi, malaman, sexy." I grinned.

ANAK NG PATOLA! ALDRED ANO BANG PINAG IISIP MO A?!

Sinabunutan ko ang aking sarili. Kung ano-ano na lamang kasi ang pumapasok sa isip ko simula nang malaman ko na may nage-exist pala na tulad niya.

"Kasalanan 'to ni Carlo!" nasambit ko sabay sipa sa isang lata ng juice na nakakalat sa daan.

"Nakakainis, bakit ang ganda niya?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingala sa langit. Hinayaan ko ng malukob ako ng aking paghanga. Mukha akong tanga sa paghihintay na may lupon ng mga kaibigan niyang totorotot at magkakantahan ng sagot sa dahilan ng kagandahan niya.

Heaven, para akong nakahithit ng droga. Hindi ko makayanang matanggal sa aking isipan ang mukha niya.

"May boyfriend na kaya siya? Sana wala pa..."

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingala. Pakiramdam ko'y nagha-hallucinate na nga ako dahil mukha niya na ang nakikita ko sa kalangitan. Napakasarap tignan nito pero umagaw sa eksena ang kumakalam kong sikmura at ito ang tumunog imbes na yung torotot ng mga anghel na hinihintay ko kanina. Kumurap ako saglit at napalitan na ng mga naglalakihang cotton candy ang mukha niya.

Tipo ko siya pero yung ''love at first sight'', imposible naman 'yon. Love nga ang abstract na kaya paano pa 'yon? Sigh, pero gusto ko siyang makita. Parang gusto ko magpagawa ng poster niya tas ihahanay ko doon sa poster ng A2C.

Love Connection V1: Is This Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon