V1. CHAPTER 7 - Strawberry Panic!

2 0 0
                                    


ARIANNE'S POV

"Thank you for coming Ma'am," the guard said after he opened the door for me. I shyly looked and smiled at him before leaving.

"Milk, vegetables, fruits, and Pristine's favorite carrot cake, of course, my own optical mouse. Mission complete."

Naubusan na kami ng supplies sa dorm kaya nandito ako ngayon sa Central District. Dapat ay duty ito ni Pristine pero dahil sa may sakit siya ay ako na muna ang gumawa.

"Ouch!"

"Sorry Miss!" The man apologized when he realized that he accidentally stepped on my shoe.

Monday is my favorite day because it's a Freedom Day for me. Nakakahinga ako ng maluwag. Medyo nakakatamad pa kasi kapag Monday para sa ibang tao kaya hindi sila masyadong active. Their Monday sickness is my advantage; I can go shop, play, eat, etc. without a crowd of people on my way.

But why is it? Ano bang meron ngayong Monday?

Napaikot ang tingin ko sa paligid.

"Monday ngayon pero ba't ang daming tao?"

"Wait, Miss!"

Magpapatuloy na sana uli ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa akin. Napalingon ako sa likod at doon ko nakita yung lalaki na nakaapak sa sapatos ko.

"Gusto mo bang maging model?" agaran niyang tanong. He smiled at me showing me his beautiful pearly whites. He is so manly. Well-built body figure, defined jawline, sharp eyes, broad tip nose, and full mouth— in short, celebrity-like.

"Ayaw," mabilis kong tugon kasabay ang iling. Halos mapaatras pa nga ako dahil sa pagkabigla sa tanong niya.

"Miss, ang bilis mo naman sumagot. Wala pa bang nakapag-alok sayo? Bagay na bagay ka talaga kasi e... Commercial model, Ramp model or Clothing model. You have looks and... your body is nice," he grinned, then hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napasingkit ako at napaatras, "Sorry pero ayoko po talaga."

I'm starting to get anxious. I want to end our conversation immediately, but I can't bring myself to do it. We are in a public place, so we're sure to attract attention, which I don't like.

Napalihis ako ng tingin at malalim na lumagok. Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko.

"Baka naman iniisip mo niloloko lang kita ha. Don't worry. See this crowd? Kanina kasi may event kami dito. Maraming gustong pumasok sa agency pero metikuloso kami sa pagtanggap. Malay mo maging artista ka pa. Think twice, minsan lang 'to," paliwanag niya.

Actually, there is no need to think...

"Ayo—" Napatigil ako ng pumihit ang tingin niya patalikod.

"Sir! Dito po. Kanina pa po nila kayo hinahanap."

Thank God.

"Ganoon ba? Sorry naman haha," the man replied to the guy who called him. Ibinalik niya ang tingin sa akin.

Bumuntong hininga ang lalaki, "Mukhang hindi talaga kita mapipilit ngayon ah. By the way I'm Roel Manansala, manager from Star One Modeling Agency. Kapag nagbago isip mo, i-search mo na lang sa internet. Sige, hope to see yah!"

Napaluwag ako ng hininga noong umalis na siya. Nakasunod ang mga mata ko kay Mr. Manansala hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Good opportunity but...

Umiling ako.

♦♦♦

Quarter to five noong makarating ako sa terminal ng jeep. Simula dito pabalik sa SNGS ay isang sakay lamang ang kailangan na aabot ng 10 minutes.

Love Connection V1: Is This Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon