V1. CHAPTER 9 - Ground Breaking

2 0 0
                                    


ARIANNE'S POV

I love you, Arianne. Your hand is so soft Arianne. Your lips are soft too, Arianne... Arianne... Arianne... I love you. Please be my girlfriend. Arianne... Arianne...

"Arianne, Arianne!"

"WAAAAAAH!"

Agad sumakit ang ulo ko noong maramdaman ko itong humampas sa isang matigas na bagay.

"Ouch!"

What's with that dream?!

Nasa kalagitnaan ako ng isang nakakasuklam na panaginip noong bigla akong magising. Malalim ang naging paghangos ko noong ako ay magkamalay. Namulat ko mang bigla ang mga mata ko ay kusa rin itong bumabalik sa pagbasak dahil sa pamamaga na dulot ng pag-iyak ko. Sumabay pa roon ang nararamdaman kong pamimintig ng noo na dulot naman ng paguntugan namin ni Pristine.

"P—Pristine ga—gabi na ba't ng iistorbo ka pa?"

"Hindi mo ba narararamdaman? Lumabas muna tayo. Lumilindol," sabi niya. Her voice is calm but worry is evident on her face.

Pinagmasdan ko ang paligid at na-realize ko na totoo nga ang sinasabi ni Pristine kaya't gaya ng sabi niya ay lumabas na kami.

"Girls huwag kayong mag-panic. Kalmado kayong pumunta sa mga open grounds na ini-specify ng school," Pristine calmly instructed while we're walking our way out of the dorm.

♦♦♦

"Errr, what a morning," I uttered while walking in the academic building's hallway.

Dahil sa nangyaring paglindol kaninang madaling araw ay pinag-stay muna kaming lahat sa mga open grounds. Common yung mga earthquake disasters ngayon kaya't marami talagang nag-alala at natakot. Mabuti na nga lamang ayon sa balita ay walang mga casualties sa mga lugar na apektado.

"Errr, yeah, it's really good that no disastrous thing happened pero hindi 'yon dahilan para magkapasok ngayong araw!"

Lahat kami ngayon ay kulang sa tulog kaya sino ba namang makakapag-focus sa klase? Anyway, except for someone I know.

Sigh.

Napahugot na lamang ako ng hininga.

Maligaw man lang sana yung consideration para lahat kami masaya. Kahit yung mga teachers ay siguradong ganoon din naman yung nararamdaman.

Errr... This is so bad. I feel like a zombie.

"Rather, I already look like a zombie,' saad ko matapos kong makita ang repleksyon ko sa pader na salamin na nadaanan ko.

"Ate Arianne! Ate Arianne!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang maliit na boses.

"Errr, bakit?"

"Eeek!" she reacted when I looked at her. Napansin ko ang pag-atras niya.

The girl in front of me spoke with fear, "A-Ate Arianne may practice daw tayo mamaya sa club," she said while trying to look directly at my eyes.

Simula bata pa lang ako ay itong mga mata ko na ang laging napapansin. Medyo may pagkamalaki kasi ito. Ewan pero sabi nila, lalo na ng mga kakilala ni mama ay maganda raw ang mga mata ko. Ganoon din ang sabi nina Pristine at Bianca. Ito nga raw ang best asset ko basta huwag lang daw ako titingin sa isang bagay ng seryoso.

Sa tuwing tumitingin daw kasi ako ng masinsinan ay naglalabas ng vibes ang mga mata ko na tila ba gusto nitong pumatay. Dahil dito ay napagkakamalan tuloy akong salbahe at nagkakaroon ng kaaway ng hindi ko namamalayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Connection V1: Is This Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon