V1. CHAPTER 4 - Mouse Trap

2 0 0
                                    


ARIANNE'S POV

"Hey, Arianne... gising ka pa ba?"

Hmmp!

"Uy, ano? Tulog ka na ba?"

Tsk, ang kulit. Oo tulog na 'ko!

Past eleven na noong humiga kami ni Pristine para matulog and now 30 minutes before 1AM ay tinatanong niya kung gising pa ako. If she doesn't want to sleep yet then bahala siya pero ako gusto ko ng matulog kaya I think it will be good if I will not respond to her.

"Oh, so this is my Aya when she's in love. Ang cute."

Tsk, what the hell? Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Nagdalaga rin ang Aya ko. Ganoon pala hanap mo a."

Parang nanlaki ang tenga ko sa sinabi niya. Ilang beses pa siyang nagsalita ng kung ano-ano bago tuluyang mag-usok ang ilong ko. I had enough! Nagsabi lang naman ako ng totoo, walang malisya. Bakit ba naging big deal iyon?

"Gising ka pa pala? What's with the pillow? Do you want to sleep with m—"

Gustong-gusto ko na matulog, gustong gusto ko na talaga but Pristine... I didn't respond to her so that I can fall asleep but she kept talking and nakakairita lahat ng pinagsasasabi niya.

Tumayo ako dala ang isang unan so that I can keep her mouth shut.

"Hey! Aria—Aya! Sto—STOP!"

Nakuha niya yung unan.

"Hey Aya! Hindi kaya ako makahinga!" she said between her breath.

"Huh, iyon nga ang gusto ko."

Pristine snorted, "Do you want me to die?" bulalas niya na sinagot ko ng ngiti. She then pouted before masking her puppy eyes.

Disgustingly cute. Nakakainis sa paningin kaya bumalik na ako sa kama.

Bwiset, makatulog na nga.

♦♦♦

Moments ago...

"Mukhang campus crush ata 'to a. Look o, artistahin yung dating and isang pic pa lang, hundreds na yung likes."

Huh, pasalamat siya walang "Hate this" option.

"Hhmm, hhmm, hhmm, ang gwapo niya Aya dito oh!"

I rolled my eyes, "Hay, makatayo na nga muna. Mamaya na lang ako matutulog."

Maraming beses ng may mga nanligaw sa'kin at sa mga pagkakataong iyon ay madalas kong kasama si Pristine. Kahit na nandoon siya o alam niya na may nanliligaw sa'kin ay walang beses na nangialam siya sa mga decisions ko pagdating sa pagkakaroon ng relationship. Kahit papaano tuloy ay na-curious ako sa Aldred na 'yon at dahil iyon kay Pristine. Ngayon lang kasi siya nangialam at nag-appreciate ng guy na nagpapapansin sa'kin.

Humila ako ng upuan at tumabi kay Pristine. She clicked then scrolled up then down and down.

"Iyan ba 'yon?"

"Yup, ano? Anong masasabi mo?"

"Baka photogenic lang siya sa side na 'yan. Lipat mo pa kaya."

We're both eating cookies while stalking at the pictures of that Aldred guy na naka-chat ko kanina. Oo, kagaya ng sabi ni Pristine ay may itsura naman yung Aldred. Hindi ko napansin dahil hindi ko naman tinignan ang profile niya. Ang tanging alam ko lang sa kanya ay ang ka-weirdo-han niya.

I raised a brow when Pristine suddenly clicked the like option.

"Ni-Like mo?" I asked her while munching a cookie.

Love Connection V1: Is This Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon