ALDRED'S POV
Mabilis akong humabol kay Mama pagkatapos kong makausap si Sir Roel sa smartphone. Mabuti na lamang ay papasakay pa lamang siya noon kaya nakasabay ako at nakalibre ng pamasahe.
"Ma, ayaw mo po ba muna sumama?" tanong ko noong marating na namin ang Central Mall.
"Hindi na, minsan ka na lang naman lalabas kaya ayoko naman ng makaistorbo pa sa iyo."
"Eh? Hindi naman... pero bahala po kayo. Basta hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi."
My mom is already 42 years old, but she looks like she is in her mid-twenties. She stands about 5'7", the same as me. She has a pale complexion partnered with long raven-black hair and deep but soft black eyes. She once told us (me and my younger sister) that she was called Sadako in her younger years because of her appearance.
Meanwhile, my dad is a controller in a top manufacturing company in the states. He is a so-called probinsyano—masculine, tanned, and handsome, who struggled his way to the top, and I'm proud to have a father like him. He rarely comes home, but he always makes sure to let us know that he is always by our side through calls and frequent video chats.
My features are a mix of both my parents'. My complexion, hair, and eyes are from my mom, while my nose and lips are from my dad.
"Sige na, basta anak ha. Alam ko namang maraming maganda dyan sa agency pero huwag munang mag-girlfriend," pabirong paalala ni Mama.
"Opo, opo,"nguso ko.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong papel sa event na iyon. Sa katunayan din nga ay tapos na noong tawagan ako ni Sir, trip niya lang talaga na papuntahin ako.
"Sayang, dapat talaga sa susunod sumali ka na sa event. Maraming nanuod kanina na ikaw yung hinahanap."
We are currently in the agency's resident cafe. Pink and purple paint covered the surroundings and a playful piano piece is played at the side.
"Alam mo naman po sir na hindi ako pwede sa ganyan. Conflict sa sched," tugon ko sabay kagat sa burger na aking hawak.
Kinuha ni Sir Roel ang kanyang tasa ng kape at humigop dito.
"Ya, ya, naiintindihan ko naman. What I'm trying to say is nasasayangan ako. Ikaw ang isa sa may least exposure sa lahat ng talent ng agency yet isa ka pa rin sa pinakasikat. Paano pa kaya kapag i-grab mo yung opportunity?"
Huminga ako ng malalim.
Matagal na kong pinipilit ni sir sa pag aartista pero kahit kailan ay hindi sumagi sa aking isipan na tanggapin iyon. Alam ko naman sa sarili ko na gwapo ako, matangkad, matalino, PERFECT in physical and intellectual aspects. Artist material ika nga pero kahit ganoon ay hindi naman ako sucker for popularity.
"Hello, Aldred."
Nailunok ko ng wala sa oras ang kakakagat ko pa lang na burger noong makaramdam ako ng pag-ihip sa aking tenga at marinig ang tinig na iyon. Unti-unti kong inangat ang aking ulo at tumambad sa akin ang isang babaeng may blonde na buhok at mapupulang labi.
Si Natalie. Hinila niya ang isang upuan sa tabi namin ni sir at doon siya umupo.
"Hi," bati ko sa kanya saka nagpatuloy ako sa pagkain.
"Eh? Ano ba 'yan Aldred minsan na nga lang tayo magkita. Don't you miss me?"
Nag-linger sa tenga ko ang sexy at breathy niyang boses pero hindi ko na hinayaan pang pumasok iyon sa aking munting sistema.
"Ah? Hindi, bakit naman kita mami-miss?" tanong ko sabay kagat muli ng burger.
Sumingkit ang mga mata ni Natalie kasabay ang pag-usok ng ilong niya.
BINABASA MO ANG
Love Connection V1: Is This Love?!
Novela JuvenilPopular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kanya. ''Love at first sight?'' - Imposible, that's what he thinks. In denial sa kanyang feelings ay mabilis din itong naglinaw nang makita niya si...