Chapter 3: Blind-fold Test

12 0 0
                                    

Speaking of studies from the last chapter, a funny story I can still remember we had a test for computing/ IT subject, tapos ang test non, touch typing pero to make things interesting may twist. Ang twist ng test ay naka blind-fold kami habang sinasabi ng teacher namin kung anong letter ang ipe-press.

So yon, nakaupo kami tig-iisang computer pero hiwahiwalay, bawal tumayo at bawal din magsalita, malayo ako sa mga katropa ko at kay Lara, sayang! Anyway, nag-start na ang test and isa-isang pinuntahan ni Sir yung mga classmates ko at isa-isang sinabi ang mga letters. Sa panahon na yun, wala akong kaalam-alam na naghihintay sa turn ko kung ano ba ang ipapatype sakin, dinarasal ko lang na sana madali yung ipapatype.

(Kung tatanungin nyo, how if magkamali ng press, sasabihin ni Sir na wait lang at itatama nya yung letter then move on to the next one hanggang sa matapos).

Okay, it’s my turn na Pinosisyon ko na yung mga kamay ko sa keyboard and binalindfold na ko, tapos sabi ni Sir

“OK John let’s start, press CapsLock”

Kinapa kong mabuti kung nasan yung Capslock at na press ko naman sya, tapos sabay sabi ni Sir na “Good!”

Nakahinga ako ng malalim, dahil buti na lang sa start hindi ako nagkamali agad hahaha

Tapos biglang sinundan ng “Okay John, press I ” (pause ng saglit)

"Sunod space”, “L” “capslock”, “O”, “V”,”E”   (*slight pause inbetween letters*)

space again” “capslock” “L”, “capslock” “A”, “R”, “A”  (*slight pause inbetween letters din*)

(“I Love Lara” )

Yes! yung name ni Lara yung pinatype sakin, pero nong nagtetest ako di aware kung ano tinatype ko kasi nakaconcentrate ako kung asan ang mga letters, remember naka blind folded ako,  nagkamali pa nga ako eh, kaya pinatigil ako ni Sir ng saglit at may kinorect syang letter.

Tinanggal ni Sir yung blindfold ko and biglang sinabing “Read it out loud!”

Tapos ako naman tong sumunod “I Love Lara!”

Medyo napalakas pa nga ata yung pagkakasabi ko non eh, di ko lang alam kung narinig ni Lara yun...pero sana naman hindi >_< kakahiya di ba?

For a brief moment hindi pa nagsink-in sakin yung sinabi ko pero nong natauhan ako, biglang sabay tingin kay Sir at sinabing.....

“Hala Sir!! Bakit po ganyan?" with gulat effect pa ko non eh ^_^ hehehe

"Oh bakit masama ba?" with a smile in his face pa

"Wala naman po" sabi ko

Tapos biglang bulong nya....

"Baka nga, you'll thank me one day pa nga eh" sabi nya

Tumawa lang ako sa sinabi nyang yon.... ^_^

Di namin alam na pinartner-partner na pala ni Sir kung anong name yung ipapatype samin bago pa magstart yung test, so yung akin kay Lara and yung kanya name ko ^_^ Naks naman!! Pero nong nagkausap-usap kaming magkakatropa at magka-classmates nalaman naming kung ano yung pinatype sa isat-isa, ungmiti lang at nagtawanan kame...Si Sir talaga oh!! ^_^

Pagkatapos non, yung iba naming mga classmate, nagstart ng magkantsawan at magtuksuhan sa isat-isa, nakakatawa kasi nakikipaglokohan din ako sa mga katropa ko kapag sila na ang topic ng tuksuhan, pero pag kami na ni Lara, wala lang....ngiti at tawa lang hanggang don lang :))

Editor's Note:

Thank you talaga sa lahat ng bumabasa parin nito ^_^ Sorry kung pangit and kung mahaba yung chapter na to.

Comment naman kayo dyan, ano tingin nyo sa nangyari? Ano tingin nyo sa teacher nila John na match maker? Loko ba? ^_^ Whaha jks SERIOUSLY? Ano tingin nyo sa kanya?

And Vote narin pala kayo kung nagustuhan nyo. Maraming salamat talaga ^_^ Til! next chapter, kita-kits :))

Alumni Homecoming (PAUSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon