Chapter 6: That Little Spark is Back ^_^

6 0 0
                                    

During this time, BESTFRIEND lang talaga ang turing ko sa kanya at alam ko naman na ganon din sya sakin. Pero sa bawat minuto, oras or araw na magkausap kami ni Lara, onti-onti kaming nagkakakilala ng husto at di ko namalayan ang sarili ko na parang onti-onti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya, for the 2nd time around hayyyy ^_^

Kaya minsan kung may pagkakataon nagpupuyat ako hanggang madaling araw para makausap sya, kasi timing na umaga or midday sya nagkakapag online sa Pilipinas (just to remind you lang po nasa ibang bansa parin po ako kaya may time difference kaming dalawa). Kaya pinipilit ko ang sarili ko kahit antok na antok na ko para lang makausap ko si Lara as much as possible, inuna ko pa syang kausapin kaysa sa pagtulog ko. Bakit kaya ano?

Kasi naman ang saya-saya ko kasi tuwing kausap ko sya, parang walang panahon na hindi ako sumaya tuwing kausap ko sya, lagi ako napapangiti and nae-excite sa reply nya sa mga chat ko sa kanya kahit ano pa man topic naming dalawa, basta ang hirap ipaliwanag, alam ko naman na alam nyo na ang ibig kong sabihin don ^_^

At dahil sa time difference naming dalawa, kelangan nya lagi magpaalam kung kelan madami akong oras na pwede syang kausapin :// dahil matutulog na sya, kasi “dito ay umaga at don ay gabi...ang oras namin ay magkasalungat, aking hapunan ay kanyang umagahan” (gets? ^_^ galing po yan sa isang song) Anyway, at sa tuwing matatapos na ang usapan naming dalawa, on that same day, babalikan ko ang mga chat namin sa isat isa at babasahin ko ulet yon, kahit gaano ka-ikli or kahaba ang usapan namin non, babasahin ko paulit-ulit yon...para kong tanga na ngumingiti habang paulit-ulit na binabasa ang mga sinabi namin sa isat-isa, pero don ako masaya eh.......kahit pa na magmukha pa akong tanga ^_^

Sa mga ginagawa kong to, masasabi ko na...that little spark is back ^_^

Editor's Note:

Thank you parin talaga sa lahat ng bumabasa :) Sorry kung pangit ang chapter na to, I hope na hindi kayo nawalan ng gana basahin pa ang mga susunod na chapter.

Try nyo pala hulaan kung saang song galing yung nakaBOLD na line ;))

Ano tingin nyo dito sa chapter na to? Pls leave a comment naman and vote na rin kung trip nyo. Thanks ulet. Till next chapter. Kita-kits :))

Alumni Homecoming (PAUSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon