Chapter 4: Is this Goodbye? :(

7 0 0
                                    

It was all going well for us each day na magkasama kami ni Lara, lalo naming nakikilala ang isat-isa. Pero sa di inaasahang pagkakataon nag-migrate ako papuntang ibang bansa pagkatapos ng 1st year high school :((

Simula non di ko na nakita pa si Lara at di ko nasabi sa kanya ang feelings ko. Nanghinayang ako dahil, di ko nasabi sa kanya ang totoo, it was all going well for us na eh, tapos aalis ako ng bansa? Bat ganun? Di patas! Sandaling panahon lang kami nagkasama, so is this goodbye na ba talaga?

Nanghinayang ako sa mga taon na pwede kaming magkasama ni Lara, nakakapanghinayang isipin ang mga taon na nawala from 2nd year to 4th year high. Tatlong taon din yun, maraming pwedeng mangyari, tatlong prom nights din yun, baka isa don magkaroon na ako ng lakas ng loob na yayain sumayaw si Lara or di naman kaya maging partner ko sya sa graduation namin sa 4th year, and then sasabihin ko sa kanya ang totoo.....yung mga ganong bagay na wala kang kasiguraduhang mangyayari, pero naghihinayang ka parin dahil hindi nabigyan ng pagkakataon. Ang daming pwedeng mangyari within 3 years, sayang lang at di nabigyan ng chance.

Unlike any other highschool love stories, na magkakakilala sa 1st year and magkakadevelopan within the next 3 years of highschool, ang samin ni Lara natapos agad 1st year palang. Sayang! :( 

Ilang taon kami nawalan ng communication sa isat isa, simula nong araw na umalis kami, araw-araw kong iniisip kung kamusta na sya, kelan ko kaya sya makikitang muli and kung makikilala pa kaya nya ko pag umuwi ako ng Pilipinas. Yun ang mga tanong na laging nasa isipan ko kada araw na pag-gising ko sa ibang bansa, mga tanong na walang ibang makakasagot at makapagsabi kundi ang panahon lang.

Dahil bata pa ako non, and tulad ng sabi ko crush lang and hindi pa seryoso ang nararamdaman ko para kay Lara noon, kaya nawala ng paunti-unti yung feelings ko for her.  :(( Pero di naman ibig sabihin non, kinalimutan ko na talaga sya, its just nawala lang yung parang "spark" na nararamdaman ko because of the great distance and lost of contact naming dalawa. Sayang di ba? Siguro hanggang dito na lang talaga ? :((

.

.

.

.

(Little I know, she kept a part of my heart which lead to more serious matters. But we’ll get to that later ^_^ )

Editor's Note:

Thank you talaga! Salamat sa lahat ng bumabasa parin nito. I cant thank you enough ^_^ Ano po tingin nyo sa chapter na to? Sorry kung pangit and kung short this time ang chapter na to, comment kayo dyan kahit negative pwedeng-pwede. Salamat ulet. Till next chapter, kita-kits :))

Alumni Homecoming (PAUSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon