Chapter 5: Friend Request

9 0 0
                                    

Sa tagal ng walang communication naming dalawa, paunti-unting nawala ang mga panahon na iniispin ko sya, yung mga panahon na iniisip ko kung kamusta na ba sya or kung ano na? Mga 2-3 years na walang walang communication, pero di ko parin sya nakakalimutan.

Hanggang sa nagkaroon ako ng account sa facebook at nakita ko ang account ni Lara.

“Sya na ba to? Parang mas lalong gumanda sya ah” sabi ko sa sarili ko

*Add as Friend* *Click*

*Friend Request Sent*

*One Notification* “Lara has accepted your friend request”

Yun naging mga friends kami sa facebook! :))

We almost had to introduce ourself all over again but thank God kilala mo parin nya ko ^_^. Sa tagal ba naman ng wala kami communication sa isat-isa, di malabong makalimutan nya ko pero buti na lang di nya ko nakalimutan.

We started talking to each other, nagkamustahan tungkol sa buhay ng isat isa, sa edukasyon, kung nakagraduate na ba or kung anong course ang kinukuha, mga ganong bagay.

Sa simula mga simple at maikling kamustahan lang ang usapan naming ni Lara non, yung tipong mag rereply ka lang ng mga 5 beses....so wala talaga kaming dalawa ni Lara masyado napag-uusapan. Di ko rin masisisi, sa tagal ng walang communication namin walang topic na masyado pwedeng pag-usapan.

Di rin nagtagal dumalas ang pag-uusap namin ni Lara sa Facebook and we became really close. Kahit through chat lang, kung dati minsan lang mag-usap pero simula non halos araw-araw na kami magkausap ni Lara, naglolokohan, nagkukulitan, nagbibiruan, nagsasabihan ng mga problema, nagbibigayan ng mga advices, at kung ano-ano pa! Tsaka kung dati walang topic na magpausap, ngayon halos lahat napagkwentuhan at napag-usapan na naming dalawa, kahit nga walang kwentang mga bagay pinag-uusapan na namin, makausap lang ang isat-isa ^_^ , kaya yon...naging MAG BESTFRIENDS kame. ^_^

Sa halos araw-araw naming magkausap, onti-onti kaming nakaka-catch up isat-isa. Parang hindi lumipas ang ang mga taon na wala kaming communication, madali naming nabawi yung mga taon na walang contact sa isat-isa. Ang hindi lang nabawi ay yung, samahan na pwede sana naming napagsamahan, pero okay narin kahit walang ganon, its better than nothing sabi nga nila. ^_^

Editor's Note:

Salamat po sa mga patuloy na bumabasa nito, sana wag kayong ma-bore sa story ko ^_^ Anyways, is this the beginning of something special between kay Lara and John? Ano tingin nyo? :D

Sorry kung di masyado maganda ang chapter na to...pls comment and vote kung trip nyo lang hehehe ^_^ Till next chapter. Kita-kits :))

Alumni Homecoming (PAUSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon