Chapter 1: Unang Pagkikita

35 0 0
                                    

5 years ago narin ang nakakalipas, pero tandang-tanda ko pa non year 2007 kakatapos ko lang maka-graduate ng grade 6 at nag-enroll at nakapasok ako sa isang private school para mag-highschool noon June. Hindi naman ako ganto katalino at hindi naman din ganon kahina ang utak ko, kaya sa middle section ako napunta. Nakakapanibago, ibang-iba ang feeling ng highschool compare sa elementary, daming bago, maraming bagong taong makakasalamuha at makakasama araw-araw.............

Dito nagsimula ang lahat, dito ko nakilala si Lara, 1st year high school pa kami non nong una ko syang nagkakilala, freshmens kung tatawagin. I can still remember, magkasection kami and every subjects magka-classmate kame. Syempre sa mga unang linggo ng school year, wala munang pansinan sa klase dahil kakagraduate lang from grade 6, nagkakahiyaan pa and we’re still getting used to the new things, pero meron din namang magkakakilala na.

Mahiyain akong tao, yung tipong tahimik, bibihira magsalita at hindi kakausap ng tao unless sila ang unang kumausap sakin. Pero ang totoo nyan sa simula lang yun! Pilyo at madaldal talaga akong tao, at lumalabas lang yan sa mga taong kilala ko kaya yon, di rin nagtagal ang pagka-shy type ko dahil nagkakila-kilala kaming magka-classmates at naging magkakatropa. Lucky ngang napasama si Lara sa barkadahan namin and from then on, nakilala ko sya ng lubusan. Di ko alam kung pano basta biglang nagsama kame, di nagtagal ay napa-ibig nya ako, nag-kacrush ako sa kanyaHindi ko alam kung ano ang nakita ko kay Lara noon pero, tandang-tanda ko pa noon pa may sobrang lupet na nya, siguro nagustohan ko yung medyo pagka-chinita look nya, ang super cute din nya lalo na pag ngumingiti sya tapos may dimples pa! San ka pa di ba? >_< Pati rin pala yung mga mata nya, ang amo-amo and nagustuhan ko rin yung ugali nya.....mabait, easy to get on with, walang arte sa buhay, simple, basta marame! ^_^

Dahil nga magkabarkada kami ni Lara at magkaklase pa, mula umaga hanggang uwian naming laging makasama kaming dalawa, syempre kasama rin yung iba pa naming katropa, punta sa bahay ni ganito ni ganyan, pagtapos ng klase tambay-tambay. Halos magkasama sa lahat ng trip sa buhay, sa galaan at lalong-lalo na sa kalokohan.  :D

Editor's Note:

Next Chapter: Lets skip few months from the point na nakilala ni John si Lara hanggang sa isang school event...its JS PROM NIGHT na! ^_^...Ano kaya ang mangyayari? Kita-kits na lang sa next chapter ^_^  

Guys! Maraming salamat sa mga nagpatuloy na basahin tong story ^_^ Sorry kung pangit ang 1st chapter, bagohan lang po ako eh....pagsensyahan nyo na ako :D Pls comment naman dyan oh...Ok lang kahit negative :) Thanks ulet! :))

Alumni Homecoming (PAUSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon