Always 04

75 3 0
                                    

Always 04

"How are you, girl?" After class, we immediately visited Ciara. She looks really pale and sick right now. Inilapag ko naman 'yung mga prutas sa isang lamesa malapit sa kaniya bago ilapat sa kaniyang noo ang likuran ng palad ko.

She snorted. "Do I look like I'm fine?" masungit niyang sabi at parang nahihirapan pa siyang magsalita dahil sa sakit sa kaniyang lalamunan.

"Here, I took some notes and did your assignments too since I was really bored earlier." Sachi took out a notebook from her bag and placed it on the table. "It's my extra notebook, nandiyan lahat ng kailangan mo."

Ciara hugged us both. "Aw! Thanks girls! Ililibre ko talaga kayo." she said softly.

"Get well soon first," I said, hinagod ko pa ang kaniyang likuran bago kumawala sa yakap.

Kinuwentuhan pa namin si Ciara sa mga nangyari sa school kanina. Of course, I didn't tell them what happened between me and Sievan... not yet. Tsaka, wala rin namang namamagitan sa aming dalawa, 'no! Hindi naman siguro importante 'yung interaksyon namin ng lalaki.

"I was chased by a guard earlier, nagpalit tuloy ako ng damit." I said. "I was just doing my own thing while watching those highschool students wreck the Dean's new Porsche yet he suddenly chased me, thinking that I was the suspect."

Humagalpak ng tawa si Ciara ngunit kaagad din siyang napaubo-ubo dahil sa kaniyang lalamunan. "A new Porsche? Wow. I remembered we also did that three years ago with the ex-Dean when he had a new McLaren."

Napangisi nalang ako. "The good old days." I said, nudging Sachi. "Tahimik lang ang isang 'to pero siya talaga ang mastermind sa lahat ng mga kalokohan nating tatlo dati."

Mahina namang natawa ang kaibigan ko. "Yeah, well, I've changed."

"Oh, please. We know deep down that we still have that inner bitch inside us. My highschool life was perfect thanks to you both." Ciara sweetly said.

Nakakamiss nga talaga 'yung mga kalokohan namin dati. Sinumpa pa kami no'ng ex-Dean sa sobrang galit niya sa amin, e. Kapag daw nagkaroon kami ng bagong kotse ay sana masira kaagad 'yung gulong. Natatawa pa rin talaga ako doon hanggang ngayon.

Pagkatapos kong bisitahin si Ciara ay umuwi na rin ako kaagad. I arrived home at 7PM, eksaktong dinner time. Nakita ko naman ang aking ama at ang aking kapatid na tahimik lang na nakaupo sa hapagkainan.

"Good evening." I greeted as I sat at my usual spot pagkatapos kong magmano sa aking ama.

As my father, I still respect him though.

"I have a business trip and I'll be gone for a month." he announced. Tila'y parang nagdiwang ang kaluluwa ko nang marinig iyon na para bang may fireworks sa loob ng utak ko.

"Really?" I asked, making sure.

He nodded and eyed me. "Don't do something stupid, Raia. I don't want to hear a single bad news about you. Be a good girl."

I almost scoffed. Good girl, my ass.

Primavera was once again, silent. I don't know what's going on inside that pretty head of hers but I know that something is really wrong.

Ayaw ko namang lunukin ang pride ko at tanungin siya. Bahala siya riyan. Naiinis pa rin ako sa kaniya, 'no.

Kaunti lang ang kinain niya at kaagad din siyang bumalik sa kwarto niya sa itaas, paniguradong magkukulong.

I sighed. "What happened to her?"

"Sinapak ko 'yung boyfriend niya." simpleng sabi ni Dad matapos niyang lunukin ang steak niya. My lips parted in shock.

What Was Always Mine Where stories live. Discover now