Always 10

51 3 0
                                    

Always 10

For the past few weeks, I've been hanging out with Sylus more often since the girls have been really busy too. Akala na nga nila na kami na dahil palagi kaming magkasama sa loob ng campus.

"Want some?" I offered him my chocolate bar which I always eat in the morning.

Tinignan niya iyon bago umiling, "No thanks. Hindi kasi ako mahilig sa mga matatamis."

Napatango-tango ako at kinain nalang iyon. As silence enveloped us both, my heart started racing when I heard a guitar strum. Dala-dala niya kasi 'yung acoustic niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagsa-strum siya ng gitara niya, the melody alone had already captured my full attention. Ang ganda pakinggan. Mas lalong gaganda siguro kapag kumanta rin ang isang 'to. His voice is really angelic too

"Wow. Nandito na naman 'yung love birds, huh?" si Ciara iyon, nakangisi siya sa aming dalawa ni Sylus.

I just rolled my eyes. "Love birds mo mukha mo," pagkasabi ko no'n ay narinig ko ang mahinang tawa ni Sylus sa aking tabi which made my heart pound.

He's really not that hard to like or love, you know? Sa qualities niya pa lang, mahuhulog ka na kaagad. He's the full package, I must say.

At inaamin ko, I am somehow attracted to him. In other words, crush ko siya... but I will never confess that to him.

I feel like a fucking teenager again. Damn it.

Sachi is nowhere to be found, once again. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng 'yon? Kapag kasi kasama namin si Sylus, nawawala nalang siya bigla. Iniiwasan niya ba ito? Nah, hindi nga nila kilala ang isa't-isa e. Baka coincidence lang.

"Uy, hindi na ulit sumasama si Sievan sa gigs niyo, ah?" Umaandar na naman ang pagiging tsismosa ni Ciara, she even leaned on the table.

Sylus shrugged as he drank his juice. "I have no idea, baka busy lang."

"Hindi naman kami busy," I butted in. "Wala pa nga kaming masyadong activities ngayon."

Bigla nalang pinitik ni Sylus 'yung noo ko. "Hindi naman sa academics lang busy 'yon, Raia. That man has tons of responsibilities lalo na sa kompanya nila."

Imbes na magreklamo dahil masakit iyong ginawa niya, napatulala ako ng ilang segundo. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla kong naalala si Villafuerte. Ginagawa niya sa akin 'yon sa tuwing natatangahan siya sa akin.

Bakit ko naman siya iniisip?!

Kahit noong papunta na ako sa room ko ay tahimik lang akong naglalakad sa pasilyong puno ng mga estudyante. I have a locker and I don't usually carry my bag with me. Ang hawak ko lang ngayon ay isang makapal na libro at nasa loob no'n ay nakatuping yellow pad at isang ballpen.

I'm not really a studious type of student but I like to jot down important notes in class. Kahit pasaway ako at palaging 'trip-to-dean's-office' ay hindi pa naman bumabagsak 'yung grades ko. Call it naturally smart, maybe I am... but I just really pay attention and listen when I find the lesson interesting. Kapag naman boring, nagzo-zone out lang o natutulog lamang ako pero kapag natatawag sa recitations ay nakakasagot pa rin naman ako.

College na ako, I should atleast lessen my troubles and focus more on my studies, I guess...

Wow. Nagiging matured na ako, ah?

I had so much fun when I was in highschool but college is different now. Nagsawa na rin siguro ako sa kakasermon ni Dad sa akin.

My thoughts were instantly washed out when I saw Villafuerte walking from the other direction. Mukhang papatungo rin siya sa loob ng classroom namin, magkaibang daan lamang kami nagmula.

What Was Always Mine Where stories live. Discover now