Always 16

42 3 0
                                    

Always 16

"Lulu! Nagtatampo ka ba?"

Sinilip-silip ko ang mukha ni Sylus habang naglalakad kami sa hallway, mas nauuna nga lang siya. His hands were inside his pockets while nakapokerface lamang siya.

"Nilampasan mo lang ako." He frowned which made me giggle. Ang cute!

"Nagmadali lang ako, may sasabihin lang sana kasi ako kay Sievan." pagpapaliwanag ko. "Sorry na,"

"Ah, okay." He slowly nodded his head and even gave me a thumbs up.

Napailing nalang ako. "It was about our project, silly. I'm sorry, alright? Ililibre nalang kita bilang pambawi, ano?"

Kaagad naman na nagliwanag ang mukha niya at lumingon kaagad siya sa akin. "Finally, you said the magic word."

My forehead creased. "The what now?"

"Libre," Ngumisi pa siya.

It was my turn to frown. "Ass."

He stuck his tongue out and rested his heavy arm on my shoulder as we walked inside the cafeteria. Ako naman ay puro tanggal sa kamay niya at reklamo habang tawa lamang ang naisasagot niya sa akin.

As usual, kahit nasa linyahan ay pinagkukumpulan pa rin si Sylus ng mga estudyanteng babae habang ako ay nakangisi lamang na pinapanood ang kaniyang mga matang hinahanap ako at sumisigaw ng tulong.

"Malaki ka na, Ricamonte." I muttered, shaking my head.

Sievan and Soriel are the untouchable duo. Parehos ayaw lapitan ng mga babae dahil mukhang mga masungit. Kabaliktaran naman no'n si Southelius, Soreinzo, at Sylus na nilalapitan ng mga babae minu-minuto.

And speaking of the untouchable duo of Klairouge, kaagad kong nakita si Soriel na nakahiga ang ulo sa katawan ng acoustic guitar niya at tamad na ini-istrum 'yung strings. Si Villafuerte naman ay nakapatong ang ulo sa dalawang kamay sa lamesa habang natutulog.

South was nowhere to be seen while Lake was holding a tray as he walked towards them. Si Sylus naman ay mukhang na-stuck up pa rin sa linya.

Nakahalumbaba akong nakatingin sa tatlong kalalakihan na hindi kalayuan sa pwesto ko. Dahan-dahang iniangat ni Soriel ang ulo niya at umayos ng upo habang si Villafuerte ay ganoon pa rin ang pwesto.

Mukhang natutulog nga.

Hinarangan naman kaagad ni Sylus ang view ko nang dumating siya. Pawis na pawis pa ito at abala siya sa pagpupunas ng kaniyang noo gamit ang panyo niya.

I chuckled. "Was it tough?"

"Shush. Hindi mo nga ako tinulungan doon. I had to just squeeze myself out!" he exclaimed, mas lalo tuloy akong natawa.

Mas nauna pa nga siyang kumain kesa sa akin. Mukhang nagutom na habang pumipila at naubos ang energy sa fan girls niya o sadyang ganyan lang talaga siya kapag nililibre?

Ang sabi pa naman nila ay mas sumasarap 'yung pagkain kapag libre.

After class hours, nakasalubong ko naman si Ciara sa may parking lot. "I've missed you, girl!" she squealed as she hugged me. "How are you?"

I smiled. "I'm fine, how about you? I've missed you too." I said, sighing.

"I've been busy as hell! Sachi too! I've never seen that girl for ages,"

I chuckled. "Adulting na ba talaga tayo? Shit. I miss causing trouble around this university."

Natawa rin naman siya. "Yeah. Well, I wish I could go back to highschool."

What Was Always Mine Where stories live. Discover now