PAGLAYO . . .
Pagpasok ko sa room namin medyo madami na din yung mga estudyante. Medyo na late ako kasi hindi ako makatulog ng maayos kakaisip ng nangyari kahapon. Na late din tuloy ako ng gising.
Ano kaya mangyayari ngayon pagnagkita kami ni Patrick.
Hinanap ko siya. Nakita ko siya na kasama nila Jazmine at Talia. Nandun din si Ericka.
Nung tuluyan na akong pumasok sa pinto ay nagkatinginan lang kami. Pero hindi kami nagpansinan. Tiningnan ko naman sila Talia, parang nagulat sila. Alam na kaya nila na umamin na ako kay Patrick. Magsasalita sana ako kaso naisip ko na wag na lang. Parang may kakaiba kasi ngayon eh. Hindi ko alam kung ano pero nararamdaman kung kakaiba.
Nung mag-umpisa na yung klase, may inanaounce yung teacher namin.
“class, may bago na tayong seat plan dahil yung iba nyong kaklase ay nadrop at yung iba naman ay nilipat sa kabilang section. Ibig sabihin nun yung iba sainyo ay malilipat nh ibang upuan.
Sinabi na ng teacher namin yung seat plan at kung saan kami nakaupo. Madami ding nilipat ng upuan pero mas madami parin yung nanatili sa dati at hindi nilipat.
Ayos lang ako. Nanatili lang ako, hindi ako nilipat pero sobra akong nalungkot. Nalungkot ako nung tinawag yyng pangalan ni Patrick at nilipat siya. Malayo na ako sa kanya. Mas napalayo. Kahit tumingin sakanya mahirap na. Kailangan ko pang tumagilid para lang makita ko siya. Kahilera ko kasi siya eh pero sa kabolang row siya.
____Patrick____ ____ ____ ____ ____ ____me____
Nung mag resess hindi pa eon kami nag papansinan. Hanggang sa lunch break ganun pa rin.
Habang walang tao at walang kasama si Patrick ay kinausap ko siya. Parang umiiwas siya sakin at lumalayo eh.
“Patrick, may problema ba? May nagawa ba akong masama? O may nasabi ba akong mali ka-” napatigil ako ng bigla siyang magsalita.
“Tama na please. Lumayo ka na sakin. Gusto na kitang makalimutan. May iba na akong mahal.”
Yun na ng tumulo ang mata ko. Tumakbo na ako palayo sakanya at pumunta sa kung saan ako mapag-iisang lugar.
Umiyak ako ng umiyak doon ss likod ng campus. Tuluyan na rin akong nawalang ng pag-asa. Napakasakit ng pakiramdam.
Nilabas ko na lahat ng sama ng loob ko dun. Natagalan ako dun. Iniisip ko kung bakit siya nagkaganun. Kahapon lang maganda yung pag-uusap namin tapos ngayon nag-iba na yung ihip ng hangin. Sana hindi na lang lumipas yung araw eh. Sana bumalik pa yung kahapon pero imposibleng mangyari yun. Tuluyan na talaga akong nawalan ng pag-asa.
Nung bumalik ako sa room ay mukha siyang masaya. Tawa siya ng tawa eh at napapansin ko, lagi niyang katabi si Ericka.
Hanggang mag-uwian ay magkasama pa rin sila. Siya na kaya yung bago niyang mahal.?
Bumalik pa kaya yung sinabi niyang Mahal niya ako.
*****
ERICKA'S POINT OF VIEW . . .
nakita ko si Patrick na nag-aayos ng mga gamit niya. Napakalinis talaga nitong lalaking to. Kaya minahal ko siya eh.
Mukhang may lakad siya ah. Nagmamadali kasi masyado, akala mo importante yung pupuntahan. Masundan kaya tong lalaking to.
Lumabas na siya ng pinto. Nagtago ako sa pinto. Syempre kapag sinusundan mo siya, hindi ka dapat niya makita. Nung medyo nakalayo na siya, sinundan ko na siya. Ang bilis niya maglakad ah. Mukhang importante talaga yung pupuntahan niya.
Hala! Mukhang nahalata niyang may sumusunod sakanya. Nagtago muna ako saglit para hindi niya ako makita. Nung nakalayo na ulit siya ng konti ay sinundan ko ulit siya.
Bakit siya pumunta sa likod ng campus? Anong gagawin niya dun? Nung sumilip ako dun nakita kong may tao din dun sa damuhan. Ha? Si Xandra yun ah. Anong gagawin nila dito? Pinaringgan ko naman yung usapan nila.
“Patrick, mahal kita” una kong narinig kay Xandra. Natulala naman si Patrick.
“diba sabi ko wag mo akong bibiruin ng gan--” hindi na siya pinatapos ni Xandra magsalita.
“seryoso ako Patrick. Mahal kita. Napatunayan ko yun sa sarili ko” aabi agad ni Xandra
“Xandra may gusto din sana akong aminin sayo” tumulo na lang ang luha mi Xandra. Parang kinaksbahan siya.
“Xandra, Narealized ko na mahal din kita. Natatakot lang akong sabihin sayo yun dahil baka iignore mo lang ako. Alam ko kasing sikat ka at madaming lalaking pwedeng magkagusto sayo na mas better sakin. Sorry talaga. Gustuhin ko man na maging tayo pero may hadlang.” Pag-amin ni Patrick.
Tuluyan ng tumulo ang luha ni Xandra at umalis na siya dun.
Nung nakalayo na si Xandra ay nilapitan ko si Patrick na nakaupo sa damuhan, mukha siyang malungkot.
“So mahal niyo pala ang isa't-isa?”
“oo nagmamahalan kami. May problema ba?” matapang niyang sagot.
“didiretsyahin na kita. Sa oras na maging kayo may mangbyayari. Akin ka lang dapat eh”
“pero Ericka hindi kita ma-” hindi ko na siya pinatapos.
“sige, ipaglaban mo pa siya. Dahil kapag naging kayo ay mawawala din naman siya. Sige ka, mas lalong mawawala siya sayo. Pumili ka magiging kayo o iiwasan mo siya? Pag-isipan mong mabuti yan ha.” umalis na ako nung pagkasabi ko nun.
______
Author's Quick Note:
Medyo mahaba na rin po yan. Sana po nagustuhan niyo.
Free to Comment and Vote thank you.
