Moving on (part two)

2 0 0
                                        


MOVING ON (PART TWO)

XANDRA'S POINT OF VIEW

Kailangan ko na talagang magmove on pero sa tingin ko napakahirap eh. Araw-araw mo ba namang makikita.

Dinadamayan naman ako ng mga bff ko sa pagmomove on pero ang hirap talaga eh. Hindi ko kaya.

Naisip naman ng mga bff ko na pagselosin si Ericka. Lagi na lang kasi sila pinagseselos no Ericka eh. Alam nyo yun? Yung nilalandi niya yung bf ng mga bff ko kaya napagkasunduan naman namin na it's time para si Ericka naman yung pagselosin namin.

Etong si Nicole sinamantala na katabi niya si Patrick. Nagtatawan sila, parang sweet.

Si Jazmine at Talia sinamantala din habang wala kaming teacher sigaw ng sigaw.

“si Patrick namimiss na daw yung pagmamahal ni Xandra” sigaw nung dalawa.

Nagtilian naman yung mga classmate ko.

Kami kasi yung pinagcocouple ng mga classmate namin. Dapat kami daw yung love birds dito sa section namin

Si Rose Marie at Zyrra naman, kunwari pinag-aagawan si Patrick.

“Crush ko si Patrick, last week lang”- zyrra.

“ako din kaya”

“hindi na pwede akin lang siya”

”Hindi akin siya eh”

“nililigawan kaya ako nun”

“ang landi mo”

“forever maharot ka naman.”

Para silang tanga. May kasama pang pagpaparinig yun kay Ericka ah. Yung 'malandi at forever maharot'. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga classmate ko. Sabi nga kasi nila. Kay Xandra lang daw si Patrick.

Nakita ko naman si Ericka na naka poker face lang.

______

Nung next subject na. Nakita namin sila Ericka at Patrick na nagsusulatan ulit kahit magkatabi. Tumabi nanaman kasi si Patrick. Malamang tinawag ni Ericka. Oo nahahalata ko, kaya tumatabi si Patrick kay Ericka kasi tinatawag ni Ericka. Gets nyo. Hahaha never mind.

“Xandra, tingnan mo yung dalawa nagsusulatan ulit” napansin din pala ni Jazmine yun.

“oo nga eh”

“bantayan natin kapag tinapon nila sa basurahan, kukunin natin” nakangiting singit ni Talia.

Nung magreresses na nakita namin si Ericka na tinapon na yung sulat.

Agad naman kaming tumakbo ni Talia palapit sa basurahan.

Ang daming papel. Hindi namin alam kung alin dun. Pero nakuha ko din. Agad akong pumunta sa malayo para basahin namin ni Talia yung sulat.

“Puro ka na lang Xandra. Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi Xandra?

Edi Ericka, Ericka, Ericka.

Sa oras na marinig ko ulit yung Pangalan niya. Baka magawa ko na yung balak ko kahit na hindi kayo”

Yun yung nabasa namin. Putol yun eh. Alam kong may isa pang papel na pinagmulan nung sulat na yun.

Bigla namang dumating si Jazmine na may dalang papel.

“Xandra may nakuha ako. Napulot ko to sa ilalim ng upuan ni Ericka.”

Buti na lang napulot ni Jazmine. Binasa ulit namin yun.

“Niligawan mo daw si Xandra. Tuwang tuwa ka pa kapag pinagsasama nyo aplyido nyo.

Hindi ko na siya niligawan dahil sa banta mo. At oo natutuwa ako kapag pinagsasama yung apelyido namin. Hindi mo naman kasi maaalis yun kapag mahal mo diba.

Sige, para hindi na akp magduda sayo. Dapat ligawan mo ako.

Eh pano si Xandra? Masasaktan yun pag nakita niya tayong magkasama. Alam kong mahal ako nun.”

Tumulo ang luha ko sa nabasa ko. Parang pinipiga ang puso ko.

Hinimas naman ni Talia yung likod ko. “ Xandra, nasasaktan ka ba?”

“hindi Talia, nala move on na ako. Tatlong araw na. Tatlong arae na skong naka move on” pinahid kobyung luha ko sa mataka ko at umalis na ako dun. Ayaw ko kasing nakikita nila na nasasaktan ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon