Kilig Much

6 0 0
                                    


KILIG MUCH . . .

alam na ng lahat ng classmate ko. Alam na din kaya niya? Alam na din kaya ni Patrick? Aminin ko na kaya sakanya? Kaso nakakahiya eh.

(Bago nila malaman na may gusto ako kay Patrick. Ito muna yung mga kilig much moment namin.)

Si Talia palang yung nakakaalam na may gusto ako kay Patrick.

Science time ulit. Sa time na to lagi kaming nagtatabi ni Patrick. Pero sa oras na to hindi muna. Katabi ko ngayon si Talia tapos katabi naman ni Talia sa left side si Patrick.

Nakailang minutes na rin kaming ganito pero maya maya nagsalita na si Talia.

“makatabi na nga muna sa boyfriend ko”

May boyfriend si Talia dito sa room namin. Syempre classmate din namin siya. Siya si Shawn Francisco. Three days palang sila ni Talia ngayon. Hindi ko alam kung magtatagal sila kasi si Talia hindi masyadong seryoso yan eh. Kapag sa boyfriend pero kapag saming mga bestfriend niya, seryoso sya. Ayaw niya kasing papalit-palit ng bestfriend.

So ayun na nga. Lumipat na si Talia ng upuan. Kami na lang ni Patrick yung nasa isang helera. Ay hindi pala kahilera din pala namin si Nicole pero medyo malayo samin. Kami ni Patrick isang upuan lang yung pagitan parang ganito.

                     Patrick ____ me

Hindi lang kami nagpapansinan pero eto naman si Talia pinapakilig naman ako.

“Patrick, lumipat ka dun sa tabi ni Xandra oh. Parang hindi naman kayo nyan magkakilala”

Kami lang yung nakarinig nun ni Patrick.

Hindi tuloy ako makapagsulat ng maayos. Nanginginig kasi yung kamay ko sa sobrang kaba eh. Syempre katabi mo ba naman yung crush mo este mahal na pala.

Sa oras na yun lagi na lang nakikipagharutan sakin si Patrick. Kukilbitin niya ako tapos kapag humaeap ako sakanya tatawa siya. Parang bata nga eh.

Hagang matapos yung subject na yun ganun na lang kami ng ganun. Hindi na nga namin natapos yung pinapasulat samin eh.

Nung Filipino subject naman katabi ko ulit siya.

“class my activity tayo ngayon. By partner to, it means kailangan nyong maghanap ng makakapartner.”

Nagkatinginan naman kami ni Patrick. Ibig sabihin nun na kami na lang yung magkapartner. Ang alam ko kasi wala naman akong makakapartner at yun din yung alam ni Patrick.

Ang problema ito namang limang bestfriend ko panira trip.

Anim kami kasama na ako dun kaya ihahati na lang kami sa tatlo.

Si Jazmine at Nicole ang magkapartner. Si Zyrra naman at Rosemarie at kami naman ni Talia.

Tinignan ko si Patrick. Naghahanap na lang siya ng makakapartner. Naawa ako sakanya kaya.

“Talia pano si Patrick walang kapartner?”

“oo nga pala siya pala sapat kapartner mo. Ito na lang si shawn oh”

No problemo. May partner na ein si Patrick.

May naisip sin si Talia na pwesto namin para matulungan din daw niya yung boyfriend niya at makatabi din nya.

Ginawa niya magkstabi kami ni Patrick at kaharap namin sila na magkatabi din.

Nakita ko naman yung mga classmate ko na nakatingin samin na parang kinikilig.

“uyyy. Couple oh, wow bagay. ShawNat at XandRick.” sabi nung isa kong classmate.

Nagtilian naman sila.

Kinilig din naman ako pero hindi ko naman pinapahalata. Nagtakip lang ako ng panyo. Hindi naman nila mahahalata kasi lagi naman akong nakatakip ng panyo dahil sa mga laging nakatingin sakin at umaaligid sakin.

Dun lang kami hindi kami umaalis sa upuan. Bugtong yung gagawin namin. Isa saming partner ay bubunot at kung ano ang mabinot, gagawan ng bugtong. Si Talia na yung bumunot at syempre siya din yung gagawa. Ako na lang yung huhula.

Si Patrick naman yung bumunot sa kanilang magpartner kaya siya din dapat yung gumawa. Hindi naman sa pang iinsulto pero medyo mahina nga ang utak ni Patrick kaya tinulungan ko na lang siya gumawa ng bugtong. Medyo natagalan at nahirapan din kami pero nakagawa naman kami ng maganda. Parang kami nga lang yung nag-uisap eh. Hindi na namin napapansin yung mga nasa paligid namin pero ayos lang, masaya naman kami.

Hanggang matapos yung subject na yun, dun pang kami bumalik ng upuan. Next subject kasi iba nanaman yung seat namin. Malayo ako kay Patrick. Bawal pang lumipat ng ibang upuan kasi yun daw kasi yung inasign samin kung saan kami nakaupo at dun na kami hanggang mag-end yung school year.

______

ShawNat = Shawn and Natalia

XandRick = Xandra and Patrick

______

Author's Quick Note:

Boto ba kayo at kinikilig  sa XandRick?

Free to comment and Vote po thank you.

Love you all.    Mwaaaahhh.....

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon