ALAM NA . . .
*kinabukasan sa school*
Lumapit sakin si Patrick para may hingin. Lagi namang ganun eh. Lalapit lang sakin kapag hihingi ng polbo, alcohol o papel.
“hoy, Xandra uyyy” pang-aasar sakin ni Talia n parang siya pa yung mas kinikilig.
“wag ka ngang maingay, baka malaman pa ng iba eh”
“hahahahahahaha, kinikilig ka naman dyan . hahahahahahaha”
Ayan nanaman po siya nababaliw nanaman.
“ewan ko sayo manahimik ka na lang dyan, madami pa akong gagawin”
Iniwan ko na lang siya habang tawa ng tawa.
Nababaliw nanaman kasi eh.
Tumabi na lang ako kay Patrick.
Science time ngayon eh. Wala kaming techer pero may gagawin kami. May iniwan samin na dapat kopyahin.
Mabilis ko naman yun natapos. Kumuha na lang ako ng papel tapos sinulat ko na lang yung pangalan ni Patrick.
Villa, John Patrick A.
Alam naman niyang sinusulat ko yun eh.Pinagmamasdan nya pa ako habang sinusulat ko yun.
Nakailang papel na akong gamit. Inuulit-ulit ko kasi eh.
Bigla namang nagbell. Resess na pala. Niyaya naman ako ng lima.
Pumunta ns kami dito sa tambayan namin at syempre may mga nakatingin samin lalo na yung mga lalaki. Yung iba pasikat sa sports yung iba sumisigaw. Hindi naman namin yun pinapansin eh.
“ate anong pangalan mo pwedeng pahingi ng number” sigaw ng isang lalaki.
Patuloy pa rin kaming nag-uusap.
Napansin ko naman na si Jazmine lang at Talia yung nag-uusap.
Nilapitan ko naman sila.
“hoy bat ang layo nyo? Ano bang pinag-uusapan nyo.”
Tumingin lang silang dalawa sakin na nakangiti.
“tara na, baka maunahan pa tayo ni ma'am Perez sa room. Patay tayo dun. Baka deretso pa tayo sa guidance office at madetain pa tayo” sabi ni Jazmine na nakangiti pa.
Mabilis lang kasi oras ng resess namin eh. 30 mins lang. Ang bilis nga eh. Last year matagal naman pero mula nung madami nang nangyayaring kababalaghan iniklian na yung oras.
Madsmi kasing nabubuntis, nagcucuting at nagdadrugs.
Pumunta na rin kami sa room. Tama naman kasi si Jazmine eh. Napaka Strict kasi ni ma'am Perez.
Si ma'am Perez, teacher namin sa math. Last subject na namin sya ngayong umaga. Pagkatapos ng math namin lunch break na.
Nung naglunch break na naglabassn na yung mga classmate ko. Kami lang ni Jazmine yung nagbabaon ng lunch kaya ksmi lang yung magkasama tuwing lunch break. 1 hour lang yung break namin eh.
“Xandra , alam ko na kung sino ah. My crush ka din pala ah. Akala ko sila yung naghahabol sayo”
“ha? Sino nagsabi”
“uhhh secret”
“alam ko na, sinabi sayo ni Talia noh?”
“oo , hayaan mo na. Diba wals dapat sikreto”
*****
Tapos na yung lunch break. Nandito na rin yung apat.
May quiz kami sa geography ngayon. Pareho kaming sagot ni Jazmine. Kahit saan naman pareho kaming sagot eh. Siya yung pangalawang pinaka close ko sa lima.
Si Talia yung magchecheck ng sagot ko.
Nung binalik na sakin yung papel ko nakita ko yung score ko.
Teka ako 20 out of 50 pero si Jazmine 47 out of 50. Psreho naman ksming sagot eh.
Pinakita ko yung papel ko kay Jazmine.
“bat mali ka dito. Tama naman sagot mo ah?” saad ni Jazmine.
Chineck agsd ni Jazmine lahat. 47 din ako. Syempre pareho kaming sagot eh.
Tinawag ko naman si Talia.
“Talia, mali yung mga check mo 47 da-”
Hindi na ako pinatapos ni Talia.
“ano ba, oo na ickeck mo na lang wag mo ng isigaw”
Nagulat ako sa sinabi ni Talia. Anong ginawa ko? Bat parang galit sya?
Nung matapos na yung first subject namin nilapitan ako ni Talia pero hindi ko lang siya pinansin.
“galit ka ba?” usisa nya.
Hindi lang ako sumagot. Kumibit balikat lang ako.
“sorry kanina ah. Ang dami ko kasing ginagawa eh. Nataranta tuloy ako”
Ngumiti naman ako ng bahagya.
“may kasalanan ka pa rin sakin” nasabi ko.
“ano naman yun?”
“bat mo sinabi kay Jazmine na may gusto ako kay patrick. Baka sabihin niya pa yun sa boyfriend niya”
[ si Wilbert Aguilar, boyfriend ni Jazmine. Classmate din namin siya. Seryoso naman kami sa mga lalaki namin eh. Si Talia lang talaga yung medyo hindi.]
“hindi ko kasi matiis eh. May pinag-usapan kasi tayong anim na wala dapat sekreto”
Napaisip ako dun.
Maypoint naman si Talia kaya ayos lang sakin.
