Part 2

531 15 0
                                    

"Explain, Yoko." Sa tono palang ng boses niya halatang galit siya.

"Isang taon na kaming kasal ni Faye at nakatira sa iisang bahay. Kinasal kami ni Faye dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin. Yun lang ang paraan para masalba ang kompanya namin. Tanging yung pamilya lang namin ang nakakaalam nito. Ayaw ipaalam ng pamilya namin sa ibang tao dahil bata pa ako nong kinasal kami at baka pagkaguluhan lang kami ng iban tao. Sorry kung hindi ko nasabi sayo Elle. Sorry kung nilihim ko. Natatakot kasi ako na baka husgahan moko." Pinipigilan kung hindi maiyak ngunit unti unti nalang pumapatak ang mga luha ko.

"Husgahan? Best friend tayo Yoko. Paano mo nasasabing huhusgahan kita? Kaya pala sa tuwing inaalok kita na ihatid pauwi palagi mo nalang akong tinatanggihan dahil ayaw mong malaman ko na may sekreto ka palang tinatago sa akin." Galit na sagot ni Elle sakin.

"Sorry, Elle."

"Sorry? Akala ko ba best friend tayo? Akala ko walang sekretong tinatago sa isa't isa? Bakit ganito?" Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala paring sagot ang lumalabas sa bibig ko. Tuloy tuloy lang na umaagos ang luha ko.

"Alam mo bang matagal ko nang napapansin na parang may kakaiba sa mga galaw mo pero hinayaan ko lang yun Yoko. Hindi ko naman akalain na ganito pala." Mapakla siyang tumawa at tumayo. Aalis na sana siya nang pigilan ko siya.

"Elle, please patawarin mo na ako. Ayaw kong ganito tayo."

"Hindi tayo magkakaganito kung una palang hindi kana nag sekreto sa akin." Tumalikod na siya at lumabas ng bahay.

Nasaktan ako sa mga huling salitang binitawan niya. Ang nagiisang matalik kong kaibigan ay galit sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kasi mali ko rin naman dahil naglihim ako sa kanya. Patuloy lang ang pag iyak ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

-----------

Nagising nalang ako nang may naramdaman akong kamay na humahaplos sa pisnge ko. Pag dilat ko dali dali akong bumangon at umupo ng makita ko si Faye sa harap ko.

"Ka-kanina ka pa nandito?" Nauutal na tanong ko.

"Yes? What happened to you? Why do you have swollen eyes?" Magkasunod na tanong niya sa akin. Feeling concern yan? Eh kung maka sigaw ka nga sa akin minsan parang hindi moko asawa eh. Sabagay sa papel lang naman tayo kasal.

"Ah wala to nasobrahan lang siguro sa tulog." Palusot ko pa sa kanya.

"Do you think I will believe you?"

"Nasasayo na yan kung ayaw mong maniwala." Pilosopong sagot ko.

"Pilosospo" She whispered. Bubulong nalang maririnig ko pa.

"Maganda sana kaso masungit." Mahinang bulong ko na hindi niya masyadong narinig.

"What did you just say?" She asked

"Wala, ang sabi ko aakyat na ako sa kwarto." At iniwan ko na nga siya sa baba. Bahala siya diyan wala ako sa mood ngayon. Malaki na problema ko sa kaibigan ko kung paano ko siya susuyuin. Ayaw ko ng dagdagan pa niya problema ko kaya aakyat nalang ako sa taas at magpapahinga.



Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now