Part 6

549 24 4
                                    

Yoko's Pov.

Pinipilit kong imulat ang mga mata ko ngunit nahihirapan ako. May narinig
rin akong mga boses na parang nag-uusap.

"Doc, how's my daughter?" Si mommy.

"She's fine now. Hintayin nalang natin siyang magising." Sagot naman ng doctor.

Nang maimulat ko ang aking mga mata ay biglang lumapit si mommy sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni mommy sa akin.

"Okay naman po ako mom, medyo nahihilo lang po ako." Sagot ko.

"Bakit ka ba kasi nagpabasa sa ulan? Alam mo namang hindi ka pwedeng mabasa ng ulan." Nginitian ko lang si mommy.

"Mom? Can I have a favor?" I asked her.

"Of course sweetie. What is it?" Malambing na sagot ni mommy.

"Can I stay at our house?"

"Why sweetie? Hindi ba kayo okay ng asawa mo?" Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko.

"Nami-miss ko lang po kayo ni daddy." Niyakap ako ni mom. Dun na nga bumuhos ang mga luha ko.

"Miss narin namin ang prinsesa namin." Nakangiting saad ni daddy sabay halik sa noo ko.

"You can stay at our house anytime you want. Stop crying na." Hinalikan ako ni mom sa noo at pinunasan ang mga luha ko.

Nang malaman rin ni Elle na nasa hospital ako ay binisita niya rin ako. Kahit may pinuntahan sila ng magulang niya ay nagpaalam talaga siya para puntahan lang ako.

I am so very lucky to have her as my best friend.

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nong makalabas ako sa ospital. Kung tatanungin niyo kung dinalaw ba ako ni ma'am sa ospital pwes hindi niya ako pinuntahan. Wala nga siyang pakealam na hindi na ako umuuwi sa bahay namin.

Gusto niya nga siguro na wala ako para makapag solo sila ng lalaki niya.

Ayaw ko rin naman muna siyang makita kasi mas lalo lang akong masasaktan. Galit ako sa kanya.

"Good morning." She said coldly.

Walang good sa morning kung ikaw makikita ko.

"Get ½ sheet of paper we are having a quiz." Seryoso lang siyang nakatingin sa amin.

Nag-umpisa na siyang magbigay ng mga tanong sa amin.

Madami rin ang nagrereklamo dahil ang bilis bilis niyang magsalita.

Hindi mo na nasusulat yung sagot mo next question na agad siya.

Nakakainis talaga siya. Tapos yung quiz pa niya ay mahirap wala yung iba sa leksyon namin.

"Pass all your papers." Masungit niyang sabi.

Lahat namman kami ay sumunod sa sinabi niya. Baka kasi bigla siyang bumuga ng apoy.

"Alam niyo bang nakita ko si ma'am at yong boyfriend niya kahapon." Mahinang bulong ng kaklase ko na narinig ko naman.

"Ms. Gomez go to my office. I have something to talk to you." She stared at me seriously.

"Ayaw ko po ma'am." Mataray kong sagot.

"You go to my office or I will fail you? Choose." At tumalikod na siya.

"Ay beh LQ kayo?" Biglang singit naman ni Elle.

"Mauna kana sa parking lot susunod nalang ako." Pag-iiba ko. Hindi kasi papasok ang isa naming professor kaya naisipan namin ni Elle na pumunta sa paborito naming coffe shop.

Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now