Part 1

1.2K 25 1
                                    

Yoko's Pov.

I got up from our bed and went to the bathroom to do my morning rituals because today is Monday and I have a class to attend. Yes you read it right "our" it means Faye and I are sleeping together in one room.

We've been married for a year now and only our families know about this. Both of our families decided not to let anyone know our relationship.

"Yoko!!!" I came back with my senses when I heard that Faye is shouting my name in her angry tone.

"Wait, I'm almost done here" I replied to her immediately.

Maya maya pa ay may narinig na akong pag bukas ng pintuan ng aming kwarto.

"How many times do I need to remind you that I don't like waiting? Sa boses at  ekspresyon palang ng kanyang mukha ay halatang galit na galit nga siya sa akin.

"Sorry. Late na kasi akong nakatulog kagabi dahil sa mga assignments na ginawa ko."

"I don't need your explanation." Tumalikod siya at lumabas sa kwarto.

Kaya sumunod na din akong lumabas at tumungo na sa sasakyan. Tahimik lamang ang byahe namin. Deretso lang ang kanyang tingin sa daan at naka kunot ang noo. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya alam ko namang simula dati ay ayaw na ayaw niya na sa akin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa paaralan. Una siyang bumaba at umalis ng sasakyan. Sumunod nalang din ako dahil naalala ko na siya pala ang guro namin sa isa naming subject. Halos takbuhin ko na din ang classroom namin baka ma late na naman ako at mapagalitan.

"Get 1/4 sheet of paper and write down all your expectations for having me as your professor for the whole semester." Narinig ko rin ang isa kong kaklase na nagrereklamo.

"Ms. Lopez if you don't want to be here in my class, you may leave and enroll to another school." Biglang sabi ni ma'am sa isa kong kaklase na nagrereklamo.

"Sorry po ma'am" Takot na sagot ng classmate ko na si Inah.

"I want everyone of you to call me Prof. Sanchez. You get it?"

"Yes Prof. Sanchez" Sagot naming lahat.

"Okay, pass all your papers and you may now all leave this room. I'll just start the discussion of our lesson tomorrow. So be ready, understand?" Mahabang litanya niya.

"Yes Prof. Sanchez."

Lalabas na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Yoko" Lagi nalang akong kinakabahan sa tuwing naririnig ko na tinatawag niya ang pangalan ko.

"Ano po yun Prof. Sanchez?" Tanging sagot ko.

"Go to my office."

"Huh? Bakit po?" Kabadong sagot ko

"Don't ask too many questions. Just go to my office."

"Pero may pupuntahan pa po kasi kami ng kaibigan ko." Totoo naman kasi na may pupuntahan kami.

"Stop with the po and opo. I'm just 3 years older than you. Just go to my office and tell your friend that you can't join." Naka kunot noong sagot niya sakin.

"But-"

"No buts. You want me to get mad at you?" 

Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lamang papunta sa opisina niya. Pagkarating namin sa opisina niya ay tinext ko narin ang best friend ko na hindi na ako makakasama sakanya dahil pinapunta ako ni ma'am dito sa opisina niya. 

"May ipapagawa po ba kayo sakin?" Tanong ko.

"Gosh you're so stupid. I said stop with the po." Inis niyang sabi. Haynako na stupid pa nga.

"Sorry po. I mean sorry Prof. Sanchez." Nakayukong sagot ko. Nahihiya na tuloy ako.

"You can call me Faye if it's just two of us."

"Okay, Faye."

"I know you didn't eat your breakfast earlier. So eat this." Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang dalawang tupperware na may cute na desenyo.

"Thank you. Sana hindi na kayo nag alaba pwede naman akong kumain sa may cafeteria." Nahihiyang sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "You should be thankful that someone is giving you a food." Medyo na hurt ako sa sinabi niya slight.

Tahimik akong kumakain mag-isa. Niyaya ko naman siyang kumain ngunit tinanggihan niya ako dahil kumain na raw siya kaninang umaga sa bahay.

------------------

"Oh? Yoko hindi kapa ba uuwi? Tanong sa akon ni Alex ang isa sa mga kaklase ko.

"Pa uwi na rin ako." Tipid kong sagot. Hindi kasi kami sabay ni Faye uuwi dahil may importanting meeting pa raw siya kaya mauna na raw ako. Sinabi niya rin saakin kanina na baka gagabihin rin siyang uuwi mamaya sa bahay.

"Ayaw mong sumabay sa akin? Pupunta akon mall may bibilhin."

"Hindi na Alex may gagawin pa kasi ako." Nakangiti kong sagot.

"Sige. Mauna na ako Yoko. Mag iingat ka pauwi" Atsaka sumakay na ito sa kanyang sasakyan.

Nagulat ako ng biglang sumulpot ang best friend kong si Elle sa harapan ko. Tumatawa pa ang gaga.

"Yoko, ano pang tinatayo mo diyan halika na at sabay na tayong umuwi. Ihahatid na kita sa inyo." Umiling ako. Hindi kasi alam ng best friend ko na sa iisang bahay lang kami ni Faye nakatira at kasal na kami (sa papel). Hindi sa wala akong tiwala sa best friend ko natatakot lang kasi ako. Pero baka ito na ang tamang oras para malaman niya ang katotohanan. Isang taon ko narin kasi itong tinatago sa kanya.

"Elle?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

"Magagalit ka ba pag nalaman mong may tinatago akong sekreto sayo?" Kinakabahang tanong ko.

"Depende sa sekretong tinatago mo." Naka smirk na sagot niya.

"Oo at hindi na lang kasi ang sagot."

"Halika at ihahatid na kita sa inyo." Nakangiti niyang sagot. Mabait talaga si Elle kaso minsan puro kalokohan talaga siya.



Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now