Part 5

642 19 7
                                    

Yoko's Pov.

Nandito ako ngayon sa cafeteria at hinihintay ang kaibigan kong si Elle. Pumunta pa kasi siya sa library dahil may hinahanap siyang aklat.

Hindi ko na rin siya sinamahan dahil ang sabi niya mauna na raw ako dito.

After nga nong date namin ni ma'am ay napansin kong mas naging clingy pa siya sa akin. Which is gusto ko rin naman.

Ang landi mo talaga Yoko.

Wala naman sigurong masama kong magustuhan ko si ma'am dba? Total asawa ko naman siya.

Malay niyo magustuhan niya rin ako. Char.

Hindi naman kasi mahirap mahalin si ma'am. Ano? Mahal? Kanina gusto lang ngayon mahal na? Erase erase.

"Hoy? Tulala ka na naman girl." Nagulat ako nang magsalita si Elle sa tabi ko.

"Kanina kapa?"

"Actually mag-iisang oras na akong nandito." Pagbibiro niya pa habang tumatawa.

"Oa ka talaga." Hinampas ko naman siya ng mahina

"Order kana nagugutom na ako Yoko." Sabay tulak sa akin patayo. Ang babae na to talaga sarap isako.

Tumayo na ako at nag order ng pagkain namin. Nagugutom na rin naman ako.

Nag order lang ako ng dalawang burger, fries at ice tea.

"Ito na po ang order niyo kamahalan." Pagbibiro ko sa kanya pagkatapos ko ilapag ang pagkain sa table namin

"Thank you aking alipin." Pang-aasar niya. Tinarayan ko naman siya.

"Libre mo yan." Deretsong sabi ko.

"Ang yaman-yaman ng asawa mo tapos nagpapalibre ka sa akin?" Kinurot ko siya dahil sa sinabi niya.

"Yang tabas ng bunganga mo talaga Elle." I rolled my eyes at her. "Alam mo namang walang nakaka-alam sa set up namin ni ma'am." Dugtong ko pa.

"Sorry hehe." Nag peace sign pa ang walang hiya.

Matapos kaming kumain ni Elle ay dumeretso narin kami sa last subject namin.

"The deadline of your project will be next week. No more extensions. Understood?" Sabi ng professor namin.

"Yes ma'am." Sagot naming lahat.

"Okay, class dismissed. See you on our next meeting." Atsaka lumabas na siya.

Habang naglalakad kami ni Elle sa hallway ay biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello mom." Bungad ko kay mommy.

"Hi sweetie, how are you?" My mom asked.

"I'm okay mom, how about you and dad?" I asked.

"We're okay sweetie." My mom replied.

"That's good to hear. Why did you call mom?"

"I just want to inform you that we are having our dinner later together with Faye's parents here in our house." Mom told me.

"Okay mom, I'll tell Faye about this." I replied.

"See you later sweetie." Then she ended the call.

"Oh anong sabi ni tita?" Tanong nitong katabi ko.

"Napaka tsismosa mo talaga Elle." Sagot ko.

"Nagtatanong lang tsismosa agad. Grabe kana ha." Sabay kurot sa akin. Kung pwede ko lang isako tong kaibigan ko ginawa ko na. Napaka pilosopo kahit kailan.

Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now