Part 3

496 20 5
                                    

Faye's Pov.

Pupunta na sana akong kusina para maghanda ng dinner namin nang makarinig ako ng sigaw mula sa taas. Pagbukas ko palang ng pintuan ay biglang kumunot ang noo ko.

Nahulog kasi ang laptop ko na pinakaiingatan ko. Sa totoo lang kaya ko naman talaga bumili ng bagong laptop kahit na ilan pa yan.

Napaka importante lang talaga sa akin ang laptop na yan tapos masisira lang dahil sa hindi pagiingat nitong kasama ko dito sa bahay.

Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Yoko pero hindi ko iyon pinansin tanging yung laptop ko lang ang inaalala ko.

"S-sorry" Nakayukong sabi niya.

"Mababalik ba ng sorry mo ang nasirang laptop ko? Alam mo bang nandyan lahat ng importanteng files na kinakailangan ko? Huh?" Galit na saad ko sa kanya.

"Hindi ko sinasadya. Pasensya na po" Yun lamang ang nasabi niya.

"Sinira mo na nga ang buhay ko dahil sa putanginang kasal pati gamit ko hindi mo pa pinalampas." Walang ekspresyon na saad ko sakanya. Nakita ko ring sunod sunod na tumulo ang mga luha niya pero wala akong pakealam.

"Ayaw din kitang katabi matulog ngayon." Pahabol na sabi ko at akmang aalis na sana ako sa harap niya.

"P-pero iisa lang ang kwarto natin dito sa bahay." Mahinang saad niya.

"Wala akong pake basta ayaw kitang katabi. Naiinis ako kapag nakikita kita" At umalis na ako at dumretso na sa banyo.

Pagkatapos kong mag shower ay naghanda na ako para matulog dahil pagod na pagod ako sa trabaho tapos dinagdagan pa ng hindi pagiingat ni Yoko sa gamit ko. Nakakainis siya kung hindi lang talaga dahil sa mga magulang namin na pinilit kaming ikasal ay sana wala akong problema ngayon.

When I was about to turn off the lamp beside me the door suddenly opens.

"What are you doing here? I already told you that you're not going to sleep here." Mataray na sabi ko.

"Kukuha lang po ako ng unan at kumot." Nakayukong sagot niya.

"No, lumabas ka na. Wala kang dadalhing unan at kumot sa labas." Hindi na siya umimik pa at tuluyan na lamang lumabas ng kwarto.

Wala akong pakealam kung giginawin man siya sa labas. Nararapat lang yan sa kanya kung pwede ko nga lang sana siyang palayasin ay ginawa ko na.

"Finally, I can really sleep well tonight."

Nagising ako ng 2am dahil nauuhaw ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Pagkababa ko palang ng hagdan ay nakita ko si Yoko na yakap yakap ang kanyang sarili sa isang maliit na sofa at halatang nilalamig siya. Hindi ko alam pero bigla akong naawa sa kanya kaya nilapitan ko siya.

"Yoko? Yoko?" Tawag ko sa kanya. Nagising siya at nagulat nang makita niya ako sa harap niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Iinom ako ng tubig dahil nauuhaw ako." Sagot ko.

"Wala naman dito sa akin ang tubig." Hindi ko alam kung pinipilosopo ba ako nito o hindi.

"Alam ko. Gusto ko lang sabihin na sa kwarto kana matulog."

"Pero-"

"Just do what I say." At pumunta na akong kusina.

Pagbalik ko sa taas ay nakita ko si Yoko na mahimbing nang natutulog. Humiga na ako sa tabi niya at hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

---------

Pagpasok ko sa room ay nandoon na si Yoko. Nang magising kasi ako kanina ay wala na si Yoko sa bahay. Nagtataka lang ako dahil hindi naman siya umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam. Nang makita ako ng mga estudyante ko ay dali dali silang tumahimik at nagsibalik sa kanya kanya nilang mga upuan.

Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now