Part 7

572 30 9
                                    

Yoko's Pov.

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko at hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog.

Iniisip ko parin kasi yung mga sinabi ni Elle sa akin kanina.

Paano nga kung may point naman talaga yung mga sinabi niya sa akin?

Ewan ko naguguluhan rin kasi ako. Nagsinungaling pa rin siya sa akin na habang magkasama kami sa iisang bahay ay heto siya may kalaguyo pala.

Grabe naman sa kalaguyo bhiee. Boyfriend pala.

Pipilitin ko nalang na matulog. Iiwasan ko na rin muna ang magpaka stress kasi baka mabawasan ang kagandahan ko.

Bigla namang tumunog ang phone ko na ikinainis ko. Sino ba tong nanggugulo dis oras ng gabi. Matutulog na nga ako mambubulabog pa.

"Hello" Hindi ko na tinignan pa ang pangalan ng caller.

"H-hi my baby." Sagot nito sa kabilang linya.

"Sino ka ba? Dis oras ng gabi nanggugulo ka alam mong natutulog yung tao." Sigaw ko sa kabilang linya. Mas lalo lang akong nainis nang marinig ko ang pagtawa niya.

"Why so fierce my love?" Sino ba? Prank ba to?

"Sino kaba? Kung wala kang magawa sa buhay wag mo akong idadamay." Galit Kong turan.

"Don't you miss me my wife?" Nagulat ako sa sinabi niya. M-my w-wife? Tanging* si ma'am pala ang tumawag. How come hindi ko nakilala ang boses niya.

Akala ko namatay na ang tawag dahil biglang tumahimik sa kabilang linya. Akala ko lang pala.

"I guess hindi mo muna chineck ang phone mo bago mo sinagot ang tawag." Nakakahiya talaga grrr.

"Bakit ka ba tumawag?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Uwi kana dito sa bahay, miss na kita." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Mama mo miss.

Lasing siguro tong babae na to kung ano anong lumalabas sa bibig.

"Kung lasing ka matulog ka nalang. Hindi yung kong ano anong sinasabi mo na makakalimutan mo rin pagka umaga." Papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita siga ulit.

"Uuwi ka or ako mismo pupunta diyan sa bahay niyo para sunduin ka? Remember nakainom ako, gusto mo ba akong maaksidente?" Nakuha niya pa akong ipa-guilty sa ginagawa niya.

Pasalamat ka mahal parin kita kahit sinaktan mo ako. Marupok na kung marupok. Bahala na.

"Wag kang magtatangkang aalis diyan sinasabi ko talaga sayo ma'am." Pagbabanta ko sa kanya bago binaba ang tawag.

Hindi na ako nakapag-paalam sa magulang ko dahil alam ko namang mahimbing na ang kanilang tulog.

Nag-iwan nalang ako ng sulat na at sinabing umuwi muna ako sa bahay namin.

Dahil wala ng taxi ginamit ko nalang ang sasakyan ko. Matagal-tagal na rin ang huling gamit ko nito. Simula kasi nong kinasal kami ni ma'am ay yung sasakyan niya na ang ginagamit namin.

1am na ako nakarating sa bahay namin.
Dumeretso na ako sa loob dahil may sariling susi naman ako.

At yun nga naabutan ko si ma'am na nakatulog na sa sofa. May iilang bote ring ng alak ang nakakalat.

Loving Professor Sanchez Where stories live. Discover now