CHAPTER 2

357 16 5
                                    

“You look upset. Is there something bothering you, Ma?”


Napatingin ako kay Lureigh ng bigla na lamang itong kumandong paharap sa akin. Narito kami ngayon sa Salas. He's watching his favorite Netflix show kanina. Sinasamahan ko lang siya.

Kaagad ko namang ipinulupot ang mga braso ko sa kaniya para yapusin siya.

“Paano mo naman nasabing upset si Mama?” Tanong ko. Tumingala naman siya sa akin. He look straight in my eyes. Para siyang si Creigh kapag ginagawa niya 'yan. Lalo na kapag tititig siya sa akin ng seryoso.

“Your eyes tells it, Ma. Tungkol ba kay Papa? Namimiss mo pa rin po ba siya!?” He asked worriedly.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamit ang mga kamay ko. I gently caresses his soft cheeks “I miss him every single day, Anak. Ikaw at ang Papa mo kaya ang buhay ko” I said then kissed him on his forehead. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Every time I miss Criegh, I will just stare at my Son's face. Whenever I'm with him feels like I am with his father too.

“Don't miss him, Ma. Forget him instead. I don't want him to comeback anymore” Saad nito. Mabilis akong napahiwalay sa kaniya at agad siyang tinignan.

Kumunot ang noo ko “What did you say?”

He looked away. Umalis siya mula sa pagkakakandong sa akin saka umupo sa tabi ko.

“I don't like Papa anymore. I used to live without him na po, Ma. I'm content having you as my Mama and Papa at the same time. We don't need him at all. If he comes back, I won't accept him anymore. I don't need a father like him” Seryoso nitong saad na ikinatigil ko.

“Are you mad at him?”

“No. I'm not mad. I just can't understand why'd he disappear. Why'd he leave us? I wonder if he really loves us. Almost 10 years Ma. Every time I blew up my candles on my birthday cakes, I always wished him to come back. But it didn't happen. I'm tired, Ma. I'm tired of waiting for a father who is incapable of his responsibilities”

“He loves us, Anak. Baka may rason ang Papa mo kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik, pero naniniwala akong babalik siya. Babalikan niya tayo”

Napabuga na lamang ako ng marahas na hangin ng wala na itong naging imik pa.

Creigh...nasaan ka na ba kasi? May balak ka pa bang bumalik? Hihintayin mo pa bang sumuko na kaming pareho ng anak mo bago ka bumalik?

___________

“Namiss kong makipag-inuman sa inyo huhu” Saad ni Miyuri sabay lagok sa huling bote ng beer nito.


“Tama na 'yang inom. Lasing ka na. Lagot ka naman mamaya sa Asawa mo” sita sa kaniya ng kakambal niya. Tahimik ko na lang na ininom ang beer ko habang naiiling na nakatingin kay Miyuri na mukhang malakas na ang Tama.

Narito kami ngayon sa ginawa naming tambayan sa likod na Restaurant ni Hakari. Hakari and her husband Vrion owned an Italian Resto dito sa makati. Sa likod ng Restaurant ay mayroong secret room na sinadyang ipagawa ni Hakari for us. This room is filled of different kind of liquors. Branded and ordinaries, Halo halo na. Kapag hindi kami busy at may mga oras kami sa isa't isa ay nagkikita-kita kami rito para uminom na kaunti lang naman. Pamapa-relax lang.

Natuto akong uminom noong nasa College ako. Tinuran ako ng mga classmates ko noon. Tinatago ko pa nga noon kina Dad, but eventually nahuli din nila ako. Hindi naman sila nagalit. Dad told me na, I have his trust kaya pinayagan niya ako sa mga gusto kong gawin. Akala ko nga noon ay magiging mahigpit sila sa akin ni Mom, pero nagkamali ako. They let me stand on my own feet, hindi kagaya ng ibang mayayamang parents na sobrang higpit sa mga Anak nila. I am so lucky na sila ang naging pamilya ko.

HER BIPOLAR EX-LOVER ( The Bipolar Señorito Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon