CHAPTER 3

292 15 2
                                    

“Thank you Attorney Li for coming. Akala namin hindi ka na makakarating” Ngumiti sa akin si Mrs. Mortel at nakipagkamay naman ang Asawa nitong si Mr. Mortel.

“Bakit naman po hindi? Tungkol naman po sa kaso ng anak niyo ang pag-uusapan natin” pormal kong saad saka tipid na ngumiti sa kanilang mag-asawa.

“Have a seat attorney” Mrs. Mortel lead me to their fancy living room. Nag-aalangan pa tuloy akong umupo sa nakapa-ganda at mukhang mamahalin nilang sofa.


They invited me here to their Mansion to discuss about their Son's case. I know that their family is rich, but I am not aware na sobrang laki pala nitong Mansion nila. Lahat yata ng kagamitan at furnitures dito sa kanilang living room ay puro milyones ang halaga. Can't help to be mesmerized. But, Dad is more powerful.

“Your son must appear at the hearing the day after tomorrow. Paano natin malilinis ang pangalan niya kung hindi siya makikipag-cooperate” Saad ko saka tumingin ng diretso kay Mrs. Mortel na nasa tapat ko. Masiyadong matigas ang ulo ng anak nila. Sala lahat ng naging kliyente ko ay sa Anak lang talaga nila ako nahihirapan ng ganito.

“Don't worry Attorney. Nakausap na namin si Froi. He'll show sa hearing” Mrs. Mortel smiled at me with assurance.

“That's good then. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po lahat ng aking makakaya para malinis ang pangalan ng inyong anak”

“Really? Lahat?” biglang singit ng isang malamig na tinig. Nabaling ang tingin ko sa lalaking bigla na lang sumulpot dito sa living room nila. Bahagyang napakunot ang aking noo dahil tila pamilyar ang Mukha nito sa akin.

“Don't talk that way Froi. She's your Lawyer” Saway ni Mr. Mortel sa kaniya.

“Ow? Lawyer ka pala. Kaya pala ang lakas ng loob mong hamunin ako last time na magkita sa korte” Saad nito. Doon ko na siya nakilala. Siya 'yung lalaking hipokrito na nabunggo ko ang kotse last time.

Ang liit nga naman talaga ng Mundo. Sa dinami-rami ng tao sa Mundo siya pa talaga 'yung bagong kliyente ko.


“Nagkakilala na kayo ni Attorney Li?” Mr. Mortel curiously asked the man, his Son rather.

“Well, not really nagkakilala Mr. Mortel, it's just..” I didn't even finish my words 'cause the man cut me off.

“That woman hit my car, and she ran away without even saying sorry” Aniya. My forehead creased immediately. What?

“I did say sorry to you, Mister” Kalmadong pagdepensa ko. Mas lalong sumama ang pagkakatingin nito sa akin. What's his problem ba? Hindi ko naman nasira ang kotse niya a. Gasgas lang naman.

“Wala akong narinig” Madiing sabi niya. Bumuntong-hininga na lang ako. Ayaw kong patulan ang lalaking 'to dahil sa tingin ko ay mas Bata ito sa akin.

“Hindi ko na problema kung may problema ka sa pandinig. Nag sorry ako at inalok pa kita na magbabayad ako sa naging damage ko, pero sinabihan mo akong cheap at hindi kayang ma-afford ang bilyones na halaga ng kotse mo” Saad ko.

He glared at me. I smiled at him, 'yung mapang-asar.

“Stop that Froiler. Do not forget na si Attorney Li ang tutulong sa kaso mo. You better be nice to her” Saad ni Mrs. Mortel. The man just 'tsked'

“Whatever Mom. I won't be nice to that woman, kahit attorney pa siya” Malamig nitong tugon saka naglakad paalis.

Napabuntong-hininga na lang si Mrs. Mortel dahil sa bastos nitong anak. Bumaling ito sa akin. Her expression is disappointed.

HER BIPOLAR EX-LOVER ( The Bipolar Señorito Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon