I've been waiting for him for almost 10 years. Sobrang tagal kong naghintay dahil umasa ako, Umasa ako na babalik siya, babalikan niya ako, babalikan niya kami ng anak niya. At mabubuo ang pamilya namin.
Pero mukhang naghintay at umasa lamang ako sa wala. Dahil hinding-hindi na iyon mangyayari pa, mukhang ako lang 'yung umaasa sa bagay na iyon. Bagay na hanggang pangarap na lang.
Ang sakit. Sobrang sakit.
I don't know how can I face this reality now, kung makakaya ko pa bang harapin ang reyalidad. Reyalidad na hindi ko na makakasama pang muli ang lalaking mahal ko, ang lalaking hinintay ko ng sobrang tagal. Ang lalaking nangako na hindi ako iiwan, pero ginawa niya.
“You're crying again” I felt his thumb on my left cheek, wiping the new tear that fell from my eye. Tumingin ako sa kaniya. Kahit nanlalabo ang paningin ko dulot ng mga luha ay naaaninaw ko pa rin ang awa na nagmumula sa kaniyang nga mata.
Don't pity me. I don't want anyone pity me.
Walang imik akong yumakap sa kaniya at sumiksik sa dibdib niya. Mas lalo akong napaiyak ng yakapin niya ako pabalik. He gently caresses my back, making me feel that I wasn't alone, that he's here with me.
Ilang araw na ba akong umiiyak? A week?
Isang linggo na ang nakalipas simula ng malaman ko na may asawa at anak na si Creigh at matagal na itong nakabalik ng Pilipinas, at magmula noon ay hindi na ako natigil sa pag-iyak. Para bang isang Dam na nagpakawala ng tubig ang aking mga mata. Para bang napakaraming luha ang nakaimbak kaya't kahit ilang araw na akong umiiyak ay tila hindi pa rin ito maubos-ubos.
At first I didn't believe them, I didn't believe Christoff. Hindi ko kayang paniwalaan dahil malaki ang tiwala ko kay Creigh, pero may mga ipinakitang picture sa akin si Christoff. A family photo of Creigh with his wife and his 8 years old daughter, almost same age with our son, Lureigh.
Matagal na palang kasal si Creigh sa iba at masaya habang ako ay parang tanga na umaasa at naghihintay sa pagbabalik niya.
“Ikukuha muna kita ng food mo para makapagpahinga ka na” Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka tumayo sa kama. Nanghihina akong humiga sa kama at saka tumitig sa kisame. Namamanhid na ang aking mga mata ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng walang katapusan na mga luha mula roon.
Narinig kong bumakas at sumara ang pinto senyales na lumabas na si Canther.
Kahit nanghihina ay pinilit kong pinunasan ang aking mga pisngi. But no use dahil muli na namang nabasa ng panibagong luha.
Mapait akong napangiti. Ang tanga ko.
Sampung taon akong naghintay at umasa sa taong wala na pala talagang balak na bumalik sa akin. Pero bakit naman kasi ganon? Bakit hindi man lang niya ako in-inform, hindi ba? Gaano man lang na sabihin niya sa akin noon na hindi niya na ako mahal, edi sana hindi ako parang tanga na naghihintay at umaasa na babalik siya.
Napakagago mo Señorito! Napakagago mo lang!
Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko, pero wala akong lakas. I felt so weak. I felt so devasted. I felt so wasted. I felt so ruined and destroyed.
Hindi ko na maramdaman pa ang puso ko, para na itong namanhid dahil sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon.
I have so many dreams with him. I have so many plans for our family. Lahat ng iyon ay hinding hindi na matutupad pa. Those dreams stayed only in my dreams.
BINABASA MO ANG
HER BIPOLAR EX-LOVER ( The Bipolar Señorito Book 2 )
Roman d'amourSa biglaang pagkawala na parang bula ni Creigh ng sampung taon, naniniwala pa rin si Hayana na babalik ito at mabubuong muli ang kanilang pamilya kasama ng kanilang anak. Pero mabubuo pa nga ba? Paano kung sa sampung taon na nakalipas na iyon ay mar...