"Kita nalang tayo sa Rigo's." Paalam ko kay Spencer ng makababa ako ng kotse.
"Okay, I will wait for you until 3 PM kapag hindi ka sumipot iiwan talaga kita." My eyes rolled.
"I know. Now go!" Taboy ko sa kanya.
Napaka ikli talaga ng pasensya ni Spencer. Isang beses nalate lang ako ng limang minuto ay iniwan niya na agad ako sa Pasig. He always has the audacity to let me ride a taxi just to get home.
After ko i-tap ng ID ko sa scanner ay dumiretso na ako sa building kung nasaan ang locker room ko. Pinindot ko ang UP button sa control panel ng elevator pagkatapos ay inilabas ang phone ko habang naghihintay.
"She's from Section D, right? Sayang siya." Tumingin ako sa dalawang nagbubulungan sa likod ko.
Are they referring to me?
Napalingon ako sa elevator door ng bumukas ito. Binigyang daan ko muna ang mga lumalabas bago pumasok. Nagtaka ako dahil hindi sumunod ang dalawa na nasa likuran ko kanina.
"You may go. We are waiting for someone." Sabi ng babaeng nakapony tail.
Pinindot ko ang close button pero bago sumara ang pinto ng elevator ay maramdaman ko ang mapanuring tingin nila sabay bulungan.
"Bees are everywhere."
Pagkarating ko sa 5th floor ay biglang natahimik ang maingay na hallway. These people are so weird. What's happening?
"Hindi ba siya ung kapatid nung lalaki sa pilot section, ung halos mapatay sila Alfred?" Narinig kong bulong ng isang babaeng may hawak na phone.
Halos mapatay?
Tumigil ako sa tapat niya.
"Who told you that?" Tanong ko. Napaatras siya dahil sa gulat.
"It is all over the campus now." Sagot niya. I grabbed her phone and began reading the journal post.
"Who made this scandal?"
"It comes from an unknown source." I chuckled. This is ridiculous.
"Yet you still believe in this?" Ibinalik ko sa kanya ang phone niya at dumiretso na sa locker room.
That journal article is one-sided. Nothing about Ivan's incident was mentioned, and the focus was solely on "A guy from the pilot section who furiously abused a group of students on campus." That entry clearly intends to give my brother a negative image of this school.
From the journalism club, huh?
"Look who's here?" Isinara ko ang locker door ko.
Bumungad sa akin ang mukha ni Rei. Spencer's best friend.
"What brings you here, moron?" I heard him laughing.
"I, too, got expelled." Napatingin ako sa kanya. What?
"Don't give me that look. It's a long story." Sabi niya pagkatapos ay tinulungan ako magbuhat ng mga gamit ko.
"Inamin ko sa office na ako ang nagnakaw ng original copy ng CCTV footage regarding sa incident ni Ivan last week. Hinanap nila sa akin ang footage pero sinabi ko na nabura ko na yun. Galit na galit tuloy sa akin si Ms. Aiko." Amin niya habang tumatawa.
"What? I thought Spencer had stolen it." What have you done, Alexis Rei?
"No. He simply took the blame."
Bumaba muna kami sa may canteen para maiibaba na muna ang mga gamit namin. Mainit din sa labas ng building kaya mas mabuting dito muna kami magpalipas ng init.