Kakalipas lang ng dalawang linggo.
Dalawang linggo na rin akong nakakulong dito sa bahay.
Simula nang makauwi ako ay pinagbawalan na akong umalis sa aking kwarto. Tanging ang apat na sulok ng silid ang naging tanawin ko sa mga nagdaang mga linggo.
"Nakakabagot." Binato ko ang unan sa paanan ng kama. Bumukas ang pinto at niluwa naman nito ang aking kapatid na may dala-dala na tray.
"Nice! Finally, a creature." Tumawa siya. Inilapag niya sa tabing lamesa ko ang dala niyang tray na naglalaman ng pagkain.
"Magaling na ako. Hindi niyo na ako kailangang ganituhin at si Dra. Dela Cruz na ang nagsabi na magaling na ang mga sugat ko. Ilabas mo na ako dito Spencer kundi ako ang mababaliw." Pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinansin.
"Spencer." Tinaas niya ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Say something."
"Maghanda ka na nang mga gamit mo at mamayang gabi ay aalis tayo patungo sa bagong university na papasukan natin." Agad na napabangon ako sa aking kama at binigyan siya ng mahigpit na niyakap habang nagtatatalon sa tuwa.
"Talaga? Makakalabas na ako sa wakas!" Naiiling siyang ngumisi sa akin.
"Baliw ka na nga." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinong hindi mabaliw kung dalawang linggo mo akong ikinulong sa kwarto na 'to aber?"
"It's for your sake."
"It's for your sake. Nye nye!" Gaya ko sa tono niya.
"Don't be mad. Please forgive me." Suyo niya.
"It's a boarding school. So please, pack as much as possible." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"No way!" Ayoko!
"Wala na tayong magagawa. Papa settled everything for us. Naomi hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha namin ni Rei? Kami lang ang palagi mong kasama simula bata pa tayo." Inirapan ko siya.
"I prefer that. Sa tono mo parang ayaw mo na akong kasama ah? Tinatakwil mo na ba ako?" Pagtatampo ko.
"Hindi naman tayo aabot sa ganun ito naman." Niyakap niya ako pero sinimangutan ko lang siya.
"I hate you." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay dumiretso sa walk-in closet ko.
"Eat your lunch, okay? I'll leave this here." Rinig kong sabi niya sa labas.
"Whatever."
Sinamaan ko nang tingin ang cabinet ko na para bang may malaking kasalanan ito sa akin. Nakasimangot kong kinuha ang black kong maleta bago lagyan ito ng mga t-shirts ko.
"What the heck are they thinking? Boarding school is a big no for me."
Never akong nagkaroon ng kaibigan sa campus dahil sa "attitude issue" ko kuno. They said that I am too much for them, so they never attempt to get close to me. Hinawakan ko ang phone ko nang maalala si Sander. He is my secret lover for 2 year at last month ko lang nalaman ang tungkol sa kanila ni Lana. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon para magkita pa ulit ni Sander dahil sa nangyaring gulo sa amin sa dati naming university.
Sander always treats me with kindness and care. Things went so smoothly, I didn't realize I was the one who's vying for his attention.
"Why haven't you told me about Lana? Be honest with me at least once." Mapait akong ngumiti.
"It sucks." Tiniklop ko ang trouser na nakuha ko sa closet at isinama sa mga damit kong nakatiklop.
Huminga ako nang malalim ng makita sa magulong closet ko ang binigay na hoodie sa akin ni Sander. Itinapon ko ito sa basurahan.