“Good morning Naomi.”
“Good morning Migo.” Tumango siya at dumiretso sa lababo para ilapag ang pinag-inuman niya ng kape.
“Did you sleep well? Are you excited for your first day?” Tanong niya habang nakatukod ang kamay sa lababo.
“Mabuti naman. Wala akong inaasahan dahil wala namang bago kapag unang araw sa klase, ang pinagkaiba lang naman ay huli na kaming nag-enroll ng kapatid ko.” Narinig ko siyang tumawa.
“First day is the most exciting one in this university, keep that in mind. Anyway, goodluck for later. I'll go now because I have classes too.” Tinapik niya ang balikat ko bago lumabas sa kusina.
“Most exciting one, huh? Well, let’s see.”
Inilapag ko na rin ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan para malinis tignan ang countertop ng kusina. Pinagpag ko ang basang kamay ko pagkatapos ay kumatok sa kwarto ng kapatid ko para gisingin siya. Sumunod na nagtungo na ako sa kwarto para magbihis ng uniporme. Pinasadahan ng aking kamay ang plantsadong uniporme na inihatid sa amin ni Alinas kaninang umaga.
Isang itim na longsleeve ang nakalatag sa aking kama na may katernong green na vest at knife pleated na mini skirt. Kinuha ko ang kulay gray na neck na nahulog sa gilid ng kama pagkatapos ay kinuha na ang uniporme ko at humarap sa salamin.
“It’s way too short than I expected.” Sabi ko habang hatak-hatak ang mini skirt na aking suot.
“How can I fix this shorty short skirt?” Napatingin ako sa aking likuran ng makita ang sapatos sa repleksyon ng salamin.
“Gotcha.” Kumuha rin ako ng white socks at black stockings upang paresan ang brown loafers ko.
“Much better.” Natutuwa kong sabi habang tinitignan ang repleksyon sa salamin.
Agad akong umupo sa study table at inilapag ang aking makeup kit. Ilang minuto lang ay natapos din ako sunod na inayos ang aking buhok. Saglit pa akong naghanap ng mga gamit para sa klase mamaya at inilagay sa kulay skintone na mini shoulder bag ko.
“Gumayak na kaya si Spencer?” Tanong sa sarili bago isinara ang pintuan ng kwarto ko.
“Spens.” Tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok.
“Spens, open the door.” Halos mamanhid na ang kamay ko kakakatok sa pintuan pero walang sumasagot. Inis kong sinipa ang pintuan ng kwarto sabay pihit ng pinto.
“Close the door!” Sigaw niya pagkatapos ay nagtago muli sa banyo.
“Napakakupad mong kumilos nauna pa ako sa iyo!” Nakapamewang akong natayo sa pintuan habang siya ay nakatago pa rin sa banyo.
“Johann Spencer.” Matigas kong sambit sa pangalan niya.
“Are you going to get dressed now, or do I have to force you to leave the house looking like that?”
“I can do whatever I say.” Habol ko. Nagmamadali siyang tumakbo papuntang closet habang nakatabing ang tuwalya sa kanyang katawan.
“One. Two. Thr—” Halos mawalan ako ng balanse ng bigla siyang tumakbo sa direksyon ko.
Malakas niyang isinara ang pinto pagkatapos ay hingal na hingal na tumingin sa akin habang hawak ang aking balikat. Tinulak ko siya palayo sa akin at ibinalik ang tingin sa pintuan na isinara niya.
“What?”
“Someone's watching us. I said close the door, Mimi.”
Lumapit ako sa pintuan at tumingkayad upang sumilip sa pipe hole ng pintuan. Nakita ko ang isa sa mga kasama namin sa bahay na naglalakad palayo sa direksyon ng kwarto kung nasaan kami ngayon. Ibinalik ko ang tingin kay Spencer na nagsusuot ng kanyang uniporme.