After 1 month (translated in taglish)
Mikhael's POV
Ngayon ang araw ng kasal ni kuya at lahat ng kaibigan ko pati na rin ang mga kaibigan ni Ayara ay imbitado. Marami ring mga kilalang CEO ng mga company sa iba't ibang panig ng mundo ang imbitado sa kasal ni kuya. Naipakilala na rin ako sa marami at kalat na rin ang kasal naming dalawa ni Ayara. Hindi ko ginusto ang makilala ng maraming tao dahil pakiramdam ko ay wala akong takas sa media.
Habang ginaganap ang kasal ni kuya ay nakaupo sa tabi ko si Ayara na nakatuon ang mga mata sa harapan.
"Deja vu?" Bulong ko sakaniya, tinignan ako nito nang masama at kinurot ako sa bewang.
"Aray ko" sabi ko habang hinihimas ang bewang ko.
"Manahimik ka riyan Mikhael, ang ingay-ingay mo, nakikinig ako e" tugon ni Ayara at hindi ako tinignan.
"Gusto mo..ikasal ulit tayo?" Pangangasar ko kay Ayara at sinulyapan ako ng tingin.
"Kasal mo mukha mo" Tugon ni Ayara sa akin at tumawa ako nang mahina.
Nang matapos ang kasal ay may after-party din na naganap sa reception. Uupo sana ako sa tabi ni Ayara sa table nila pero naunahan ako ni Ria at bigla rin akong hinatak ni Johan papunta sa table nila.
"Tropa time muna" sabi ni Johan kanila Ayara at hinatak ako papunta kay Collie at Gian.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas muna ako para magpahangin. Pagkadating ko sa labas ay nakita ko si Ayara at tila may kausap ito sa telepono kaya nagtago ako at pinakinggan ang mga sasabihin niya.
"Ah Aki sabihin mo nalang kung saan ha, let's meet up, okay?" Masiglang sabi ni Ayara habang nasa tenga ang telepono.
"Aki again" bulong ko sa sarili ko.
"Okay bye, ingat ka rin" huling sinabi ni Ayara habang nakangiti at ibinaba ang tawag.
Bumalik ito sa loob ng venue kaya lumabas na ako at umupo sa bench. Habang nakaupo ako ay may narinig akong yapak ng paa kaya napalingon ako.
"Oh bunso, nandito ka lang pala" sabi ni kuya Kenzo.
"Nakasalubong ko si Ayara, akala ko magkasama kayo e" dagdag ni kuya at naupo sa tabi ko.
"Congrats kuya" sabi ko at tinapik ang braso niya.
"Salamat, parehas na tayong kasal bunso" tugon nito at ginulo ang buhok ko.
"Totoong kasal nga lang sayo, akin sa papel" tugon ko at mapait na ngumiti.
"Pero okay naman kayo ni Ayara ah" tugon niya.
"Pero hindi ko naman ginusto na ikasal sa papel" tugon ko at tumingin sa kaniya.
"Matututunan niyo ring mahalin ang isa't-isa kahit ganiyan situation niyo" tugon ni kuya sabay tumayo sa pagkaupo.
Nag-usap kami nang ilang minuto at tinawag na si kuya kaya kailangan na niyang bumalik sa loob.
"Tara na bunso, pasok na tayo" pag-aya ni kuya sa akin at agad naman akong sumunod.
Sa buong buwan na pagsasama namin ni Ayara sa iisang bubong at kahit kasal sa papel lamang ang nangyari ay maayos ang tunguhan namin sa isa't-isa. Noong mga nakaraang linggo ay napapansin ko na unti-unting nagbabago ang timpla ni Ayara at tila ba parang iniiwasan ako nito sa hindi malaman na dahilan. Sa harap nila dad ay maayos kami pero kapag kaming dalawa lang ay todo ang iwas nito sa akin. Ngayon ko lang nakausap nang matagal si Ayara dahil kasal ni kuya at maraming mata ang nakapaligid sa amin. Tabi na rin kaming natutulog ni Ayara sa kwarto ngunit may unan na nakaharang sa gitna nito.
Nang matapos na ang after-party ay nagsiuwian na ang lahat.
"Ayara uwi na tayo, pwede ikaw muna magdrive? Masakit kasi ulo ko" sabi ko kay Ayara na naglalakad sa harapan ko at sa harapan niya ang mga kaibigan niya.
"Sasama ako kay Sophia at Shana, mag m-mall sila" tugon nito na may malamig na boses at hindi ako nililingon.
"O-okay..ingat kayo" Tinignan pa ako nito bago tuluyan na lumakad kasunod nila Sophia and Shana. Wala na rin sila Johan dahil may importanteng lakad daw sila kaya nauna silang umalis.
"Hatid na kita"
Napalingon ako sa likod sa kung sino ang nagsabi non.
"Oh Ria ikaw pala, bakit hindi ka sumama sakanila?" Tanong ko sakaniya na nakatayo sa harapan ko.
"I wanna go home na eh, halika na sabay ka nalang sakin, hindi naman malayo condo mo sa bahay ko" tugon nito sa akin.
"A-ah, okay" tugon ko at bigla akong hinatak ni Ria papunta sa kotse niya kaya wala akong nagawa.
Kinakausap ako ni Ria buong byahe at hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Masarap kausap si Ria dahil madaldal siyang tao at mahilig magpatawa kahit mapaos kami kakasalita. Natahimik kami nang ilang segundo nang bigla siyang nagsalita.
"Ahm...Mikhael" sabi nito at tumingin sa akin habang naka-red pa ang traffic light.
"Hm?" Tanong ko habang nakatingin din sa kaniya.
.
.
.
.
.
.
"Pwede ko bang hingiin number ni Cole?" Tanong nito sa akin habang nahihiya."Cole huh? Type mo kaibigan ko?" Pangangasar ko sakaniya at hinampas ako nito.
"Hindi ba pwede makikipag-kaibigan lang ako?" Pag tugon nito at tumungo nalang ako para kunwaring nakunbinse niya ako.
"Sure" maiksi kong tugon at kinuha aang telepono niya na inaabot niya sa akin.
Nang makarating na ako sa tapat ng building ng condo ko ay nagpaalam na ako kay Ria, nakipag beso ako dito bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Sa lahat ng kaibigan ni Ayara ay si Ria ang pinaka malapit sa akin, hindi rin ako nahihiyang lapitan o kausapin ito. Pagkapasok ko ng condo ko ay naghanap kaagad ako ng gamot dahil nakirot ang aking ulo. Gumawa rin ako hot soup para mahigop ko bago uminom ng gamot. Pagkaluto ay nagtungo ako sa sala at nagtaklob ng kumot sa katawan dahil tila nilalamig ang katawan ko at masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong kumain ay ininom ko ang gamot ko at pinatay ang mga ilaw sa bahay maliban ang ilaw sa entryway, pagdaan ng ilang minuto ay nakatulog na lamang ako.
____________
Will upload another chapter later kasi sinisipag ako ngayon but please wait nalang po kasi mina-manage ko rin ang time ko, thank you - Author
YOU ARE READING
Arrange Marriage [Ongoing]
FanfictionMikhael, a 26 year old forced to arrange marriage to Ayara, a 26 year old fashion model and only daughter of Arcallana. They did not expect that they would be forced to marry someone just because of their family company, especially they are same gen...