Chapter 28

1.9K 58 1
                                    

After 1 week

Mikhael's POV


Nakauwi na kami ng Pinas pagkatapos ng bakasyon namin sa Thailand, bukas na rin ang pasko kaya naisipan naming mag kakaibigan at kasama na rin ang mga kaibigan ni Ayara at siya na magpalitan ng regalo. Hindi kami pwede mag mall nang magkakasama dahil bawal namin malaman ang regalo kaya mag-isa ako na nasa mall ako ngayon para bumili ng regalo at para ibigay sa kanila at ganon din ang gagawin nila. Sinabi rin namin na hindi dapat sobrang mamahalin ang regalo dahil kahit na magastusin kaming lahat ay kailangan naming sundin iyon.

Mag gagabi na nang matapos akong bumili ay agad naman akong umuwi sa condo namin ni Ayara para magluto dahil nabanggit ni papa na bibisita siya rito mamayang gabi kasama si kuya at mom, gagabihin din ng uwi si Ayara kaya sabay-sabay kaming mag d-dinner. Nakuha ko ang galing sa pagluluto kay mom dahil bata palang ako ay tinuturuan niya na ako. Nang matapos ako magluto ay may narinig ako na nag doorbell kaya agad naman akong nagtungo sa pinto para buksan iyon.

"Good evening mom, dad, kuya. Come in" pagbati ko sakanila.

Hindi ko pinapatanggal ang sapatos nila kapag nandito sila ngunit tinatanggal nila ito bilang respeto at kalinisan ng condo ko.

"I've already cooked na po, let's eat na?"

"Later, pagdating ng asawa mo" tugon ni papa at tumango ako.

Mga ilang minuto na lamang ay dumating na si Ayara na may hawak na shopping bag, agad niyang nakita sila dad kaya yumuko agad ito sa kanila.

"Magandang gabi po" sabi ni Ayara habang nakayuko.

"Hali na dito Ayara, kumain na tayo, nagluto si bunso" sabi ni kuya at lumapit kaagad si Ayara.

Nanatili kaming tahimik habang kumakain at sinusulyapan ko si Ayara habang kumakain.

Habang nainom ako ng tubig ay biglang nagsalita si dad "So Mikhael.. Ayara, kelan niyo kami balak bigyan ng apo? Tagal ko nang sinabi iyon sa inyo" Dahilan ng pagkabuga ng tubig na iniinom ko.

"D-dad.." tugon ko at sumulyap kay Ayara.

"Dad pasensiya na po pero napag-usapan na po namin ni Mikhael yan" tugon ni Ayara at tila kinakabahan.

"Naiintindihan ko Ayara, pero baka sakali lang na mapag-desyisunan niyo, ako ang bahala sa gastusin ng magiging apo po" tugon ni papa at ngumiti sa amin.

"Ah siya nga pala, may Christmas event bukas kaya pumunta kayo" dagdag ni mom.

"Merry Christmas Mikhael, Ayara. Sana sa susunod na pasko may apo na ako" bati ni papa na may ngiting pang-asar kaya hinampas siya ni mom. Binati kami ni mom at ganon na rin si kuya.

Ilang beses akong sinulyapan ni Ayara habang kumakain kaya naimik nalang ako. Pagkatapos nang ilang minuto ay naisipan na umuwi nila dad kaya nagpaalam na kami. Pupunta rin sila Cole at sila Ria para sa palitan ng regalo na magaganap dahil hindi namin ito magagawa sapagkat may Christmas event ang company namin. Nililigpit ko ang kalat sa mesa at si Ayara naman ang naghuhugas ng pinggan. Pagdaan nang trenta minuto ay nagsidatingan na sila at wala pang segundo ay ang iingay kaagad nila. Lahat kami ay nasa sala nakapwesto.

"Bago 'to ay gusto ko kayo batiin ng, advance merry Christmas!" Bati ni Johan na may masiglang tono kaya ngumiti kami sakaniya.

"This gift is for.. Mikhael" sabi ni Ayara at iniabot ang regalo sa akin. Ang buksan ko iyon ay may laman na gamit sa pang paint tulad na lamang ng canvas, paint palette, paints at brushes. Napakasimple ng regalo ni Ayara ngunit para sa akin, ito ang nagustuhan ko.

Ang binigay naman sa'kin ni Ria ay cap, perfume kay Shana at relo kay Sophia. Turn ko na para magbigay ng regalo, una kong niregaluhan si Ayara at ang ibinigay ko sa kaniya ay camera, naisipan ko siyang regaluhan non dahil mahilig siya magkuha ng mga litrato at pwede niya rin itong magamit sa tuwing maglilibot siya sa iba't-ibang panig ng mundo. Binigyan ko ng relo si Johan dahil palagi itong walang suot na relo, malamang sa malamang ay ibinigay niya iyon sa pinsan niya. Ang ibinili ko naman kay Gian ay leather jacket dahil mahilig itong manghiram sa akin at nalilimutan nang ibalik. At panghuli ay si Cole, ang regalo ko sa kaniya ay sapatos dahil unti-unting nauubos sapatos ko sa kakahiram niya sa akin, ang rason niya sa akin ay hindi niya ito mahanap.

Natapos na ring magbigay si Gian at Cole kaya ang pinakahuli ay si Johan, binigyan niya na silang lahat at ako ang hinuli niya. Bago nito ibigay ang regalo sa akin ay nagtinginan muna silang tatlo sabay abot sa akin ng regalo.

"Regalo ko ito sa pinakamamahal kong kaibigan" agad ko naman binuksan ang regalo at nagulat ako dahil puro condom ang laman nito. Tawang-tawa sila kaya napasilip din sila Ria at hindi maintindihan kung bakit sila nagsisitawanan kaya agad kong itinago iyon.

"Fuck you Johan, ang seryoso ng regalo ko sa'yo" tugon ko sa kaniya at tila pupokpokin ng kung ano ang mapulot ko.

"Seryoso rin naman ako ah" tugon nito habang tumatawa.

"What's with the condom?" Tanong ni Ayara sa akin.

"A-ah Ayara, pang paswerte...sa wallet" tugon ko habang nauutal at hindi pa rin natigil ang tawa ni Johan.

"Pangpaswerte, lucky charm" singit ni Johan habang hinahampas ang lapag dahil sa katatawa.

"Shut up or I'll kick your ass" tugon ko kay Johan.

"Baka gusto mo sipain ko yang b-" natigilan si Johan nang takpan ni Gian ang bunganga niya.

"That's enough na" tugon ni Cole at tumayo.

"Let's drink!" Pag-aya niya at humiyaw naman sila Ria.

Umiinom sila habang nag-uusap usap at nili-limit ko lamang ang pag-iinom ko dahil ayokong sumakit na naman ang ulo ko. Ilang oras na rin kaya napapansin ko na nalalasing na si Johan dahil sumasayaw na ito at natawa na lamang si Gian sa kaniya at lasing na rin habang nakaupo sa tabi ni Shan. Sa kabilang banda, si Ayara naman ay nagamit lang ng telopono at inuuntian ang inom. Tumabi ako dito. Tinignan ko ang telepono ko para tignan ang oras.

"Ayara, merry christmas" bati ko sakaniya at ngumiti siya sa akin.

"Merry christmas din, thank you sa gift Mikhael.. I appreciate it so much" tugon nito sa akin at niyakap ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko nalang din siya pabalik.

"Welcome and, thank you rin sa gift" tugon ko sakniya at hinihimas ang likod niya habang nakayakap ito sa akin.

__________________

Natagalan ako sa pag update huhu super busy lang talaga. And also, thankyouu for 8k reads, sana dumami pa:) - Author

Arrange Marriage [Ongoing]Where stories live. Discover now