Chapter 27

1.8K 51 0
                                    

Ayara's POV

"Rise and shine"

Nagising ako nang binuksan ni Mikhael ang kurtina sa may balcony na nagsisilbing takip sa liwanag na nanggagaling sa labas.

"Arghh Mikhael, let me sleep" sigaw ko at nagtakip ng unan sa mukha.

"No, wake up na" tugon nito at lalong binuksan ang bintana. Tumalikod ako sakaniya nang magulat ako na hinatak nito ang paa ko.

"Tayo" sabi nila at pinipilit akong patayuin.

"Ayoko ano ba, Mikhael" tugon ko at sinisipa siya palayo.

"May flight tayo today papuntang Thailand, paalis na sila papuntang airport" tugon ni Mikhael at bigla akong napatingin sa kaniya.

"Sila? Sinong sila?" Tanong ko kay Mikhael at umupo.

"Sila, your friends and my friends" Tugon nito habang nakatayo sa harapan ko.

"Kilos na, nakaligo na ako, ako na rin mag-aayos ng luggage mo" dadag ni Mikhael at lumakad paalis kaya kumilos na ako.

*Time skip*

Nang makarating kami sa airport ay nandoon na sila at kami na lamang ang iniintay, nag taxi lang kami papunta dito dahil wala ring ibang maghahatid sa amin. 40 minutes lamang ang byahe papunta dito sa airport galing bgc kaya 11 ng umaga pa lamang ay nakarating na kami at hindi naman ganon ka-traffic. Alas-dose ang flight namin kaya bumili na muna kami ng mangangata sa jollibee na mahahanap sa loob ng airport. Pagkatapos naming bumili ay nagtungo na kami sa loob at naupo para kumain habang nag-iintay.

"Akin yung jumbo fries diyan" sabi ni Sophia habang nakaturo sa paper bag.

"Hati tayo" tugon ni Shana at dinilaan lamang siya ni Sophia.

"Ayoko, dapat bumili ka ng iyo" tugon ni Sophia at inilayo ang pagkain kay Shana.

"Here Shan, sa'yo nalang itong akin. I'm full pa naman" sabi ni Gian at inabot ang pagkain niya kay Shana.

"Thank you" tugon ni Shana at yumuko, nginitian lamang siya ni Gian.

Sa kabilang banda ay tahimik lamang na nakaupo si Mikhael habang kumakain kaya kinalabit ko ito sa hita.

"Okay ka lang?" Tanong ko habang nakapatong ang kamay ko sa hita niya.

"H-huh? Yeah, I'm okay" tugon ni Mikhael at ngitian ako kaya tumango nalang ako.

.

Nakalipad na ang eroplano at lahat kami ay nasa business class, magkaka-hiwalay kami ng upuan dahil may harang ito at hindi rin namin kita ang isa't-isa. Nasa likuran ko lang si Mikhael kaya pag tumayo ako ay kita ko ito. Aabutin lamang ng tatlong oras ang flight, nagtaka rin ako na bakit kailangan pa namin mag business class sa eroplano kung saglitan lamang ang byahe.Nakaupo lamang ako sa kinauupuan ko habang nakasilip sa labas ng bintana at nakasuot ng headphone. Mga ilang minuto lamang ay may dumating na stewardess para bigyan ako ng wine at ng lunch ganon din kanila Mikhael.

*Time skip*

Nang makalapag ang eroplano ay kumuha kami ng taxi pero hiwa-hiwalay dahil marami kami. Si Gian ang naghanap ng hotel na pananatilihan namin sa loob ng limang araw dahil uuwi rin kami kaagad para mag pasko sa Pinas. Kasama ko si Mikhael na nakaupo sa shotgun seat at nasa tabi ko si Ria habang ang iba ay nakasunod sa amin. Nang marating namin ang hotel na pananatilihan namin ay nag book kaagad kami ng kwarto para sa dalawa, kasama ko si Mikhael dahil siya naman dapat ang kasama ko. Pumayag nalang din sumama sina Sophia kay Johan, si Ria kay Collie at si Shana kay Gian. Nang makapasok ako sa kwarto ay inilapag kaagad ang mga gamit ko, lumabas naman kaagad kami ni Mikhael para maglibot-libot. Inabot kami nang gabi sa paglilibot at naisipan namin kumain sa kilalang restaurant dito sa Thailand para tikman ang pagkain, nagustuhan naman namin siya dali masarap nga ito at malasa kaya napabili pa ulit kami dahil na rin sa gutom kakalibot.

Nang matapos kaming kumain sa restaurant ay nag-aya si Sophia na mag street food at hindi naman kami umayaw sa kahilingan niya dahil nandito rin naman kami para magsaya. Kumain kami hangga't hindi pa kami nabubusog kaya panay bili sila Johan at inaabot kay Mikhael kapag hindi nila mauubos kaya tinatanggap nalang ito ni Mikhael dahil hindi naman siya kumain nang marami kanina sa restaurant.

"Say ahh" sabi ko kay Mikhael at bahagyang susubuan ito kaya lumapit ito sa akin para kainin ang isusubo ko sa kaniya.

"Hindi ka pa busog?" Tanong ko sa kaniya at iniling niya ang kaniyang ulo, malaki siguro imbakan ng pagkain nito sa tyan.

Pagkatapos namin kumain ng street food ay bumalik na kaagad kami sa hotel para magpahinga. Nang makarating kami ay nauna akong naligo at si Mikhael naman ay nanonood ng tv. Pagkatapos ko ay sumunod na naligo si Mikhael kaya nagpatuyo ako ng buhok at kinuha ang telepono ko.

 Pagkatapos ko ay sumunod na naligo si Mikhael kaya nagpatuyo ako ng buhok at kinuha ang telepono ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(May mistake sa photo, 7:13 pm yan, not am)

Habang nakatuon ang mata ko sa telepono ko ay may kumatok sa pintuan kaya sinilip ko ito kung sino ang kumakatok at si Ria iyon kaya pinagbuksan ko ng pinto.

"Oh bakit napapunta ka dito?" Tanong ko sa kaniya at dere-deretso lamang ito papasok at dumeretso sa balcony.

"Si Cole kasi eh nananakot habang nasa banyo ako" tugon nito habang nakasimangot kaya natawa ako sa kaniya.

"Buti nga close na kayo e parang dati lang napapatong ka pa sa ibabaw non" tugon ko habang natatawa.

Habang nag-uusap kami ni Ria ay biglang lumabas si Mikhael na naka bathrobe lamang habang nagpupunas ng buhok, napatingin si Ria dito at ibinalik ang mata sa akin at siningkitan ako ng mata sabay ngumiti.

"What?" Tanong ko habang nagtataka sa ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Sige una na ako, bye love birds" tugon nito at lumabas sa kwarto.

Lumapit sa akin si Mikhael habang nakasuot lamang ng bathrobe kaya napaatras ako.

"Ayara.."







"Which perfume smells better?" Tanong nito at pinaamoy ang dalawang pabango na hawak niya.

"I-ito" tugon ko at itinuro ang isa niyang hawak na pabango.

"Okay, thank you" tugon nito at lumakad pabalik sa loob habang ako ay nakatayo at nakatulala lamang at napahawak sa dibdib ko dahil tila ang bilis ng tibok ng puso ko.

"No Ayara, pigilan mo ang sarili mong mahulog sa kaniya" sabi ko sa isip ko at iniling ko ang aking ulo.

___________________                                

Bukas try kong mag-update ng another chapter, need ko na matulog e may pasok pa ako bukas - Author

Arrange Marriage [Ongoing]Where stories live. Discover now