15

57 7 0
                                    

Sinubukan ko ulit tawagin si Zyaire at nagbabakasaling magpapakita siya sa akin ngunit hindi nangyari. I decided to accept Wrath's invitation. I also want to ask him where he found that information.

I just wore a black dress and asked Indigo to help me get ready. I also told her that I was meeting Wrath. Afterward, I regretted telling her that Wrath had invited me to a restaurant.

Putak nang putak ang bunganga niya habang paulit-ulit na sinasabing bagay kami ni Wrath. Na stress tuloy ako sa kanya. Masyado siyang malisyosa.

"How many times do I need to repeat myself? Wrath don't like me," malamig na sabi ko kay Indigo ngunit tumawa lang siya.

"Haba ng hair mo. Noong isang araw niyaya kang makipagsayaw ni Kaizer. Tapos ngayon niyaya ka naman ni Wrath kumain sa isang restaurant. Saan ka naman kaya yayayain ng nakshie ko?" natatawang aniya habang inaayos ang buhok ko.

"Tumigil ka nga," saway ko sa kanya. "Pati si Vlavastor dinadamay mo. Pagkabaliwan mo na lang ulit si Alvias at tantanan mo na ako."

Mabilis siyang sumimangot. "Stop mentioning his name! Nakakairita!"

Natawa ako sa kanyang reaksyon. Ganito siya sa tuwing sinasabi ko ang pangalan ng magic tower master. Parang biglang bumaliktad ang mundo dahil noon ay baliw na baliw siya kay Alvias pero ngayon ay halos masuka siya sa tuwing naririnig niya ang pangalan ng lalaki.

"Ang bilis talaga magbago ang ihip ng hangin," ani ko at natawa kaya lalo siyang sumimangot.

"Shut up na. Pag talaga 'di mo tinikom 'yang bibig mo. Kakain talaga mag-isa si Wrath sa fancy keneme restaurant," bantay niya ngunit ngumisi lang ako.

Ganito pala ang feeling ni Indigo sa tuwing inaasar niya ako. Ang sarap sarap sa pakiramdam na may naiinis kang tao. Now I understand Indigo.

Nagkatinginan kami ni Indigo bago tumingin sa mga pamilyar na tao sa hindi kalayuan. Sabay na kumunot ang noo namin ni Indigo.

Why the hell Delythena is here with Caden and Alvias?

Mabuti na lang at wala si Rmitrius at baka pag makita siya ni Wrath ay bigla na lang silang magpatayan sa wala sa oras. Teka, nasaan na nga ba si Wrath?

"Umakto ka na lang na hindi natin sila nakita. Mga panget," bulong sa akin ni Indigo.

Ano pa nga ba. Lumapit ako sa aming henchman upang sabihin na balikan na lang kami rito mamaya. Isasama ko si Indigo sa loob kahit na ayaw niya dahil baka raw ma offend si Wrath kung isasama ko pa siya. 

Pumasok na kami ni Indigo sa loob ng restaurant. Nakakapagtaka dahil pagkapasok namin ay walang katao-tao.

May isang lalaking sumulpot sa amin. Sa tingin ko ay nagtratrabaho siya rito. Ngumiti ito sa amin at ngumiti. Magalang niyang sinasabi sa amin na sumunod kami sa kanya.

May second floor ang restaurant at umakyat kami sa pangalawang palapag. Tahimik lang ako habang ginaya kami ng lalaki papunta sa itaas.

Isang pamilyar na lalaki ang nakita ko sa hindi kalayuan na mesa. Mabilis itong tumayo nang makita niya kami. Lumakad papalapit sa amin si Wrath. Muntik ko na siyang hindi makilala dahil sa ayos niya ngayon.

Wrath’s long hair is elegantly tied up, and he’s dressed in a formal outfit that he’s never worn before. The outfit accentuates his striking appearance, making him look exceptionally handsome. His eyelashes are notably long, adding to the allure of his gaze. His lips are impeccably glossy, appearing as if they’ve been coated with a delicate lip gloss, which gives them a shiny and vibrant red hue.

"Baka matunaw naman si Wrathy, bes," bulong ni Indigo sa akin. Inirapan ko siya ngunit ngumisi lang.

Humarap ako kay Wrath. Umalis na ang lalaki  at iniwan kaming tatlo rito. Nakangiti sa akin si Wrath ngunit napawi ito nang makita niya si Indigo sa aking tabi.

When An Assassin Becomes A Villainess Where stories live. Discover now