12

97 6 0
                                    

I am reading an invitation from the Imperial Palace. There will be a ball, and they are inviting me. I expect that Delythena will be there and that the male leads will definitely be complete this time. The ball is part of the novel, and what will happen is that I will embarrass Delythena in front of many people.

Bubuhusan ko ng wine ang gown niya at to the rescue naman ang mga male leads. Habang inaalala ko ang mangyayari ay napailing iling na lang ako. Pagkatapos kasi  pahiyain ni Syera sa novel si Delythena ay bubuhasan din siya sa ulo ni Alvias ng wine kaya, at the end si Syera ang napahiya sa maraming tao. At si Delythena ang kaawa-awang babae na pinagtanggol ng mga knight shining armor niya.

So cringe and ew.

"I don't want to go,"

Ngumiwi si Indigo. "Chance mo na 'to para makahanap ng crush. Sasamahan naman kita mag pogi hunting sa ball!"

Ilang beses niya na sinabi na magpo-pogi hunting kami sa ball bukas. Hahanap na rin daw siya ng bagong crush at ayaw niya na kay Alvias. Madali siyang magkagusto at madali rin siyang mawalan ng feelings. Wala nga sigurong umabot na isang linggo na naging crush niya. Sa tuwing may makikita siyang pogi ay inaangkin na niya bilang crush niya.

"Pupunta lahat ng mga male leads. Alam mo naman kung gaano kainit ulo sa akin ng mga lalaking 'yon," iniisip ko pa lang ang madilim na mukha ni Rmitrius at Kaizer ay gusto ko na silang pag-untugin dalawa.

"Dedma sa mga bashers. Tsaka wapakels ka naman sa kanila. Ang goal natin ay makahanap ng magiging crush mo!" Sambit niya at ngumisi.

Tumaas ang kilay ko. "Nahiya ka pa, sinabi mo na lang din sana na goal din natin makahanap ng bagong baby boy mo," ani ko at ngumiwi.

"Syempre, kailangan ko ng palitan si Alvias. Balato ko na siya kay Delythena. Hahanap na lang ako ng mala Jeonghan dito sa Gloryvale." Tango-tango niya at mukhang sang-ayon siya sa kanyang sinabi.

"Sinong Jeonghan?"

Tumingin siya sa akin at naningkit ang mata. "Hindi mo kilala ang ex-boyfriend ko?  Gagi, sikat 'yon sa mundo natin!"

Umiling ako dahil wala naman talaga akong ideya kung sino si Jeonghan. "May ex ka pala? Bakit kayo naghiwalay?" kursoyong tanong ko.

Huminga siya ng malalim at biglang nalungkot ang kanyang mukha. "He's a kpop idol in Korea. Syempre sikat siya kaya priority niya ang career niya. I've been his girlfriend for 4 years pero in secret relationship kami kasi binabawalan sila ng management magkaroon ng karelasyon. Maayos naman kami at mahal na mahal namin ang isa't-isa pero hindi talaga maiiwasan na magkakaroon ng problema sa isang relasyon," mas lalong lumungkot ang mukha niya.

"I decided to break up with him because his manager found out about our relationship. His manager made him choose between me and his group. He chose me, but I don’t want him to leave his group because of me. They need him; his fans need him," she said with a bitter smile.

"Kahit wala na kami ay patuloy ko pa rin siyang sinusuportahan sa malayo, hindi na bilang girlfriend niya, kundi bilang isang tagahanga niya na lang,"

I feel a bit sad for her, but I don't know how to comfort her right now.

"That's sad. I hope you two will meet again,'' I said with a faint smile

Napakurap siya at tinitigan ako. "Naniniwala ka sa mga pinagsasabi ko?"

"Ha?"

Malakas siyang tumawa at hinampas-hampas niya pa ang mesa habang nakahawak sa kanya tiyan. Naluha na siya sa kakatawa at parang wala na siyang balak tumigil.

"T-Tangina... na-uto kita," aniya habang pilit pinapatigil ang sariling tumawa.

Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at naibato ko ang flower vase sa mesa kay Indigo. Malakas ang guardian angel ni Indigo at nakailag pa talaga siya.

When An Assassin Becomes A Villainess Where stories live. Discover now