Ligtas kaming nakauwi mansyon at naipuslit namin si Vlavastor nang hindi kami nahuhuli ng mga bantay. Sinubukan ko gamitin ang teleportation spell, at mabuti na lang ay hindi ako pumalpak kahit first time ko iyon.
Sa servants quarter namin dinala si Vlavastor at sa mismong kwarto ni Indigo namin siya pinahiga. Hindi naman siya pwede sa aking silid at baka bigla na lang pumasok ang aking ama roon. Nag-iisip pa ako kung anong gagawin ko Vlavastor dahil hindi habang buhay ay matatago namin siya dito.
After I healed his wounds. Pinunasan siya ni Indigo para mawala ang mga dumi nito at hindi na mag mukhang madungis. Sa pagbihis kami nahirapan dahil pareho kami ni Indigo hindi nakatingin habang pinapalitan siya ng damit.
Ngayong malinis na siya at kitang-kita na ang napaka among mukha nito. Sino mag-aakala na ang sikat na Mad dog Knight ni Rmitrius ay nandito sa Duchy of Forsberg, mahimbing ang tulog.
"Anong balak mo ngayon?" biglang tanong ni Indigo habang pinagmamasdan ko ang tulog na si Vlavastor.
"Ewan, hindi ko naman siya pwedeng itago dito habang buhay. Any suggestions what should I do to him?"
Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang nagdala sa kanya dito kaya dapat ikaw rin ang mag-iisip kung anong mas mabuting gawin sa lalaking iyan," aniya at tinuro pa si Vlavastor.
Nakatulong ang sinabi niya. Tsk.
Hindi ko alam kung anong esprito ang sumapi sa akin at binili ko ang lalaking 'to sa auction slave. Basta noong nakita ko ang itsura at kalagayan niya ay parang may kung anong nag udyok sa akin na kunin siya kanina sa gitna.
Hindi na mapupunta sa puder ni Rmitrius si Vlavastor dahil ako ang nagligtas sa kanya. Hindi naman pwedeng ipa LBC ko itong si Vlavastor sa bahay ni Rmitrius 'no. Baka mapatay pa ako no'n kung sakali.
I think I have an idea for how to keep Vlavastor here. I won't need my acting skills tomorrow. Lakas ng loob, oo.
At kinabukasan nga ay nagtungo ako sa office ng aking ama. I don't know if my idea will gonna work but I need try I guess?
Kinuha ko si Vlavastor kaya reponsibilida ko na siya. Wala ng bawian kaya heto ako ngayon sa harap ng aking ama.
Gulat ang kanya mukha habang nakatingin sa akin at lumipat sa binatilyong nasa tabi ko. Unti-unting nag dilim ang mukha niya habang sinusuri ang kabuoan ni Vlavastor sa aking tabi. Mabuti na lang ay behave lang itong si Vlavastor at mukhang hindi naman takot sa mapamatay na tingin ng aking ama.
"And who, pray tell, is that boy, Syera?" he inquired with a chilling tone. "Are you suggesting that this insolent youth dares to grasp the precious hand of my daughter while so recklessly sealing his own doom?" His voice was laced with a sense of horror.
Well, these days Vlavastor is being clingy to me. Simula nang magising siya ay ako agad ang hinanap at ayaw na umalis sa tabi ko. Mas matangkad ako kay Vlavastor at hanggang balikat ko lang siya, mukhang siyang bata dahil sa timbang at tangkad niya pero magkasing edad lang kami. Kung makakain siya ng tatlong beses sa isang araw at nagkalaman-laman ay sigurong may pag-asa pa itong tumangkad.
Saglit akong tumingin kay Vlavastor na sobrang higpit ang kamit sa aking damit at kamay. Halos patayin na siya sa tingin ni Papa sa sobrang dikit niya sa akin.
Gusto kong bulungan itong si Vlavastor na lumayo muna at baka mapatay siya sa ng wala sa oras ni Sylvan. Parang pinagsisihan ko na tuloy na dinala ko pa sya rito.
"Papa, please calm down," I said soothingly. "As I mentioned, I want this boy to become my personal knight. If you approve, I'd like Sir Devon or Sir Aaron to train him."
YOU ARE READING
When An Assassin Becomes A Villainess
FantasíaNyxia is considered the best assassin in the world. Since she was young, she has trained for this job. She has killed many and is feared by all, but there are two things Nyxia really wants to experience: having friends and living freely like other n...