05

116 7 0
                                    

Napasinghap ako habang tinitignan ang bundok na marriage proposal para sakin. Lahat ay hindi ko binigyan ng sagot.

Kinakailangan ko atang magpagawa ng malaking tarpaulin at isabit sa mataas na gate namin. Tapos ang nakalagay ay naka capital letters na 'LADY SYERA ARABELLA FORSBERG DON'T NEED A MAN'

Even my father is furious about it. He also doesn't want me to get married. He only allowed the engagement between me and the crown prince because the real Syera loved him back then.

Inutusan ko si Ron na itapon ang lahat ng marriage proposal na para sakin. Agad naman niya sinunod ang ang utos ko.

Dumagdag pa itong mga marriage proposal sa stress ko. Namomoblema kasi ako dahil nalalapit na ang kaarawan ng ikatlong prinsepe. Magkakaroon ng selebrasyon sa palasyo at imbitado ang pamilya namin.

Simula nang bumalik ako sa Capital ay lahat ng imbetasyon ay hindi ko dinalohan. Bahala na kung iniisip nilang umiiwas ako. Pero umiiwas naman talaga ako.

I used to be a famous noble lady before Delythena entered the scene. She caught all the attention of noble society due to her beautiful features and blonde hair.

Kung ang totoong Syera ay magagalit ay ako naman ay tuwang tuwa. Sa kanya na lahat ng atensyon basta mabuhay lang ako.

Mag dadalawang buwan na simula nang bumalik ako. Lagi lang ako narito sa loob ng aking kwarto at minsa ay nakatambay ako sa library habang nakikipag-chimisan kay Indigo. Ang sabi niya ay chimisan daw ang ginagawa namin.

Isang ring college student noon si Indigo bago siya mapunta dito. May outing daw sila ng mga kaklase niya sa isang resort at sa hindi inaasahang pangyayari ay nalaglag siya sa yateng sinasakyan nila. Iyon ang dahilan kung bakit siya nalunod at nagising sa mundong ito. Pareho lang din kami ng edad pero mas maraming salita nalalaman si Delythena na hindi pamilyar sa akin.

Magkaiba kaming dalawa ni Indigo ng buhay na kinalakihan. Naranasan niyang makapag-aral at ako naman ay hindi. Kahit papaano ay naranasan niyang mabuhay na malaya kahit laging tutol ang kanyang pamilya sa mga gusto niya.

Wala na akong magawa at tinatamad na rin ako sa bumisita sa training ground ng mga Knights. Wala rin naman kasi sila Sir Devon at Eron doon dahil lagi silang kasama ni Papa. Si Sir Aaron naman ay may misyon ngayon. Naatasan ata siyang hanapin ang personal mage ng Forsberg dahil hindi pa ito bumabalik galing sa kanyang bakasyon.

Kumusta na kaya si Eleanora? Is she doing okay?

May diskriminasyon kasi sa mga babaeng knights dito, sabi ni Indigo. Akalain mo 'yon, kahit saan ka, uso pa rin ang diskriminasyon at laging sa mga babae pa. Sa pananaw kasi ng mga tao rito, ang babae ay dapat walang ginagawa kundi pagsilbihan ang asawa at alagaan ang kanilang anak.

Hindi nila hinahayaang maipakita ng mga kababaihan ang kanilang kakayahan. Mahina ang tingin ng mga tao sa babae kaya dapat maging sunod-sunod lang ito sa mga lalaki.

Nakakainis isipin na parang hindi na mababago ang pananaw nilang lahat tungkol sa mga babae. Sarado ang kanilang mga isipan kapag ganito ang pinag-uusapan.

Hanggang kailan kaya sila magiging ganito?

At hanggang kailan magiging sunod-sunod ang mga kababaihan sa mga lalaking laging pinamumukha sa kanila na hanggang doon lang sila?

Dahil ang totoo ay hindi sila hanggang doon lang. Marami silang magagawa kung hahayaan sila at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan.

A woman can live without a man, but a man can't live without a woman.

I admire how brave Eleanora is. She doesn't care about what people will say to her. I hope she's doing well there, and I know she will be a knight.

Walang panama ang mga salita nila kay Eleanora. Tahimik siya pero kakainin ka niya pagpinahawak mo siya ng espada.
Isa siya sa patunay na ang mga babae ay hindi babae lang.

When An Assassin Becomes A Villainess Where stories live. Discover now