Chapter 5:
-Aleeza's Point of views:
Matapos ang pagkukwento ni manang mildred ay nagtungo na ako sa kwarto ko dala dala ang mga lumang litrato ni tita at ibang litrato na din ni mommy na medyo bakas na din ang kalumaan.
habang isa isa kong pinagmamasdan ang mga litratong iyon, dumako sa isip kp yung camerang iniuwi ko. Agad akong nagtungo sa cabinet ko at inilabas iyon sa bag na ginamit ko nung nagpunta kami sa lugar na yun.
Napakaganda nito, konting linis lang nito ay pwede nang gamitin ulit o di kayay ibenta. pero syempre hindi ko ibebenta to. sinubukan ko itong iopen pero parang ayaw mabuksan. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko, Pwede naman nung gabing iyon bakit hindi ko na mabuksan ngayon?
Ilang beses ko pang sinubukang buksan ulit bago ko mapagpasyahang isantabi muna at ipapaayos ko nalang bukas. Baka sakaling marestore ko pa yung laman non at makakiha ng ideya sa dahilan ng pagpaslang nila sa kanya.
Napalundag ako ng marinig ko ang pagring ng phone ko. kinuha ko iyo sa side table ko at napangiti ng makita sa screen ang tumatawag.
"Hey, Mom" masiglang bati ko.
"My daughter, How are you?"
"I'm fine, Mom. Nothing unusual naman po"
"I see. I just want to check on you, Your birthday is coming. any plan?" she asked.
umiling ako kahit hindi naman nya iyon nakikita.
"Wala pa po, Hindi po ba kayo makakauwi ni Dad?" malungkot kong tanong.
I heard her sighed.
"Sorry to tell you but we can't, My dear. We have so many pending businesses here. alam ko namang naiintindihan mo kami" saad nya.
Tipid akong napangiti at tumango kahit walang nakakakita.
business as always. I sighed.
"Yeah Mom, I understand."
"Invite your friends and celebrate with them, Dear. You can even go anywhere you want to."
"Mom, I miss you and Dad"
I want to hug them, I really miss them. Ilang taon ko din silang hindi nakikita, 4 years? 5 years? I was just 13 years old when they last visited.Paano nila ako natitiis hindi bisitahin man lang ng mga ilang taon?.
"Oh i missed you too, Dear" Mom said pero bakit pakiramdam ko hindi sya sincere sa sinabi nyang yun.
Am I just imagining? Siguro nga dahil na din siguro sa tagal nilang hindi bumibisita sa pilipinas.
"Does your yaya's taking good care of you?"
"Yes Mom, They are my subtitute parents" natatawang sagot ko pero malungkot pa din ako.
"Very nice to hear that, Darling. I'll hang up now, Madami pakong gagawin--- Is that my little girl you're calling to?"
I heard my Dad voice.
"Yeah, She's doing good as always." "The meeting will be starting soon, get ready." "okay, Honey. ... Aleeza, I need to hang up now. Take care, My dear"
hinayaan ko nang siya ang magpatay ng tawag. mabigat ang buntong hiningang pinakawalan ko matapos non. Lagi naman silang walang panahon sa akin at naiintindihan ko naman yun. Kailangan nilang magtrabaho, ngunit hanggang kailan ako maghihintay?
Sanay naman na akong mula pagkabata ay mga maids na ang kasama ko, kaya higit pa sa mga kasambahay ang turing ko sa kanila. Sila na ang nagsilbi kong magulang mula pagkabata hanggang sa magdalaga. Ipininganak lang yata ako para mabuhay kasama nila. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naiisip ko.

YOU ARE READING
HAUNTED APERTURE
Mystery / ThrillerA young photographer's passion for capturing life becomes a doorway to the afterlife. After her untimely death, her camera, once filled with memories, becomes a keepernof justice.. Years later, the camera reappear, luring the unsuspecting girl into...