A week has passed since Jade's been gone, and Luke hasn't been to school either buti nga pumasok pa sya ngayon e. Sa aming lahat, he's the one who's most affected and saddened by it, though we're all sad but his sadness is deeper. Mas malalim ang pinagsamahan nila ni Jade, kung kailan kase naging mutual yung feelings nila sa isa'g isa, tsaka pa nangyari ang hindi inaasahan.
Napayuko ako ng makitang lumuluha na naman sya habang nakatulala sa upuan ni Jade. Sobrang miss na din namin sya. Hindi kami sanay na wala sya, at hindi namin alam kung kailan kami masasanay ng ganito.
"Uhm, Hindi ba tayo kakain?" Mahinang tanong ni lexie. Nalulungkot din sya na nakikitang sobrang nahihirapan si luke, ngayon lang din namin kase syang nakitang ganyan.
"Luke, Tara kain" Yaya ni kyle sa kanya pero wala itong nakuhang sagot. Nakatulala lang ito at parang wala sa sarili.
"I m-miss her" He uttered and starts crying again. Napabuntong hininga akong muli dahil sa inasal nito. Walang ibang tao sa room ngayon dahil lunch break na at oo hindi pa kami kumakain dahil walang gana ang lahat.
"He's gonna be alright" Saad ni Clein na nandito na ngayon sa tabi ko at kinakalikot ang dulo ng buhok ko.
"I know" Tipid kong sagot at muling napabuntog hininga.
"We will all be okay" I mumbled.
Tumayo nako at isinukbit na sa balikat ko ang shoulder bag ko.
"Gutom nako, Tara kain na tayo" I smiled though it's fake. I am sad for my friend's passing pero hindi ko papatayin ang sarili ko sa gutom.
"Lahat tayo nalulungkot pero wag niyo naman pabayaan yang mga sarili niyo. Jade not gonna like it. " Saad ko habang isa isa silang tinitingnan.
"Samahan na kita kumain" Napalingon ako sa katabi ko na nakatayo na din at nakasukbit na sa kaliwang balikat nya ang backpack nya.
"Sige" I smiled at lumakad na palabas sa room. Kung ayaw nilang kumain, pwes ako kakain ako, kasama ko nga pala si clein.
"Sa tingin mo suicide yung nangyari?" Bumagal ang paglakad ko ng marinig kong nagsalita siya.
"Hindi ko alam, Wala naman sigurong dahilan para gawin nya iyon, or we may not know." Kibit balikat kong sagot.
"Maybe family?" I looked at him at seryosong seryoso ang itsura nito pero agad ding ngumiti ng matamis nang mapansin na nakatingin ako sa kanya.
"Hindi nga nila alam na uuwi sya that time eh, hayy ayoko na mag isip clein. Gutom nako" Nakasimangot kong sagot sa kanya. Mas lalo pakong napasimangot ng marinig ko syang tumawa ng mahina.
"Ang sungit mo talaga pag gutom" He chuckled. Napairap nalang ako sa hangin dahil wala naman akong ganang makipag kulitan sa kanya.
Agad akong umorder ng pagkain pagkadating namin sa cafeteria dahil sobrang gutom nako, hindi ba naman kami nag breakfast kanina dahil wala pang ganang kumilos ang lahat.
"Alam kong gutom ka pero dahan dahan naman hahaha" He laughed habang pinapanood akong kumain. Hindi nako makasagot dahil ngumunguya ako kaya inirapan ko nalang sya.
"Stop doing that"
Tinaasan ko sya ng kilay with a "doing what?" Look.
"Yan, yang pag irap mo sakin. " Napapalunok syang umiwas ng tingin sakin. "Nakakainlove lalo e" Bulong nya pero dinig ko naman.
"Ano bang nagustuhan mo sakin?" Curious lang ako, wala naman kaseng kagusto gusto sakin.
"E-ewan ko" He stuttered.
YOU ARE READING
HAUNTED APERTURE
Mistério / SuspenseA young photographer's passion for capturing life becomes a doorway to the afterlife. After her untimely death, her camera, once filled with memories, becomes a keeper of justice.. Years later, the camera re-appeared, luring the unsuspecting girl in...
