---
Maaga akong nagising dahil may usapan kami ni Reiz na magsisimba kami ngayong araw. Hindi pa rin ako makamove on sa ginawa nya kagabi, halos hindi ako nakatulog sa kakaisip ng ginawa nyang pag halik sakin.
"If it is a crime, I'm willing to be arrested"
Hindi ko maiwasang mangiti nang maalala ko ang sinabi nya. Hindi ko alam na may ganon pala syang side haha.
" Ang saya natin ngayon ah?" Natigilan ako sa pag iisip at pag ngiti ng may magsalita sa likuran ko.
"Oh clein, gising kana pala"
"Oo at kanina pa kita tinitingnan habang nakangiti ka. Para kang tanga lang hahahah" Napasimangot ako sa sinabi nito. Akala ko ba gusto nya ako bat nya ako pinagtatawanan? Pero okay na din tong ganito. I just wish na si bella nalang ulit ang magustuhan nya.
"Joke lang. You're cute" Bawi nito sa sinabi nya tsaka ako tinalikuran.
Hmm, anyare don?
Napailing nalang ako tsaka nagpatuloy sa pagpupunas ng mga alikabok. Wala kaming yaya kaya kailangan din naming magtrabaho sa loob ng bahay namin. Ayaw naman ng mga kaibigan kong kumuha ng maids kase magiging abala lang daw. Ano naman kayang nakakaabala don?
8:30 na ng umaga nang matapos ako sa pagpupunas. dumeretso nako sa banyo upang maligo at nang masimulan nang mag ayos ng sarili.
10:00 naman yung usapan namin ni reiz kaya mahaba haba pa ang oras ko mag ayos.
Naglalagay nalang ako ng konting kolorete sa mukha sa harap ng salamin nang hindi sinasadyang matabig ko ang isang jewelry box na nasa ibabaw ng mesa ko na dahilan ng pagkahulog nito.
Lumantad ang isang kwintas na parang kakasya lang sa leeg ng bata. Pinulot ko ito at pinakatitigan.
Saan nanggaling to?
Naalala kong naisama ko ito dito sa paghakot ng mga gamit ko noong lilipat ako dito sa bahay na to. Ibabalik ko na sana sa loob ng jewelry box ko nang isang ala ala ang lumitaw sa aking isipan.
"Ingatan mo to baby ha? Ito ang magpapatunay na ikaw ay aking apo" It was my great grandma. It was her first gift to me when I was 6.
I smiled at her.
"Kailan ba kayo lilipat dito sa bahay? " She asked to my mom. Again, her face is blurry at halos hindi ko na sya marecognize.
"Hindi pa ito ang tamang panahon. Sapat nang makilala niyo sya" Sagot nito kay lola.
"Apo, may bumabagabag ba sayo?" Nag aalala ang mukha ng matanda habang nakatingin kay mommy
"Lala, babalik din ho ako. May kailangan lang akong ayusin" Mom answered.
Wala nang nagawa ang matanda kundi pumayag sa kagustuhan ni mama na lumayo muna sa sarili nyang pamilya.
Bakit? Bakit kailangan nyang lumayo?
Argh! Nasapo ko ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng kirot sa paglitaw ng isang ala ala sakin.
Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may mga parte ng pagkatao ko ang nawala sa isipan ko? Bakit may mga lumilitaw na ala ala na hindi masyadong pamilyar sakin?
"Ahh" Mas nasapo ko ang ulo ko nang mas kumirot ito.
Pano na yan may lakad pa kami ni reiz eh. Nauna na kase syang umalis kase sabi nya ay dadaan muna sya sa puntod ng kapatid nya.
YOU ARE READING
HAUNTED APERTURE
Mystery / ThrillerA young photographer's passion for capturing life becomes a doorway to the afterlife. After her untimely death, her camera, once filled with memories, becomes a keeper of justice.. Years later, the camera re-appeared, luring the unsuspecting girl in...
