CHAPTER 12: Odd memories.

11 11 0
                                        

"You are the greatest gift I ever had, Aleeza"

Mom said while watching my young self playing with my pink mini camera. Since I was a child, mahilig na din pala ako sa camera kahit na hindi ko pa alam ang purpose ng bagay na ito.

I looked at her but her face was so unclear. Bakit malabo ang mukha ni mommy sa panaginip ko?

"When the time comes, kapag okay na ang lahat. Ipapakilala kita sa aking pamilya"

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi nya pero bakas sa aking maliit na mukha ang kasiyahan.

Sa kabilang dako ng aking panaginip nakita ko ang tagpo ng dalawang tao, ako at ang aking ina.

"Take care sweet heart" Paalala nito sakin habang masaya akong tumatakbo sa isang maliit na parke. Anim na taong gulang palang ako dito pero malinaw na naaalala ko ang araw na ito. Ngunit ang nakakapagtaka ay, bakit hindi ko makita ang buong mukha ni mommy? Bakit malabo ang lahat. Bakit ang sarili ko lang ang nakikita ko.

Isang araw sa loob ng kwarto namin.

"Mama, nasan po ba ang daddy ko?" Tanong ng batang ako sa nanay kong nagsusuklay ng buhok ko pero kagaya ng mga naunang senaryo, malabo ang kanyang mukha.

"Hmm, Nasa malayong lugar anak. Nagtatrabaho ang daddy mo para sa kinabukasan mo" Sinagot nya ang tanong pero mahihimigan ang lungkot sa mga salitang ito.

Tumahimik ang paligid, isang madilim na kwarto ang nakikita ko. Isang batang natutulog at ako iyon at dalawang babae na nag uusap sa dilim.

"Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa mo para pahirapan ako, kami ng anak ko?"

"Shhh, she's sleeping."

"Umalis kana. Hindi ako papayag sa gusto mo"

"Let's see"

Hindi nagtagal ay hikbi na ng aking ina ang aking naririnig.

Anong ibig nilang sabihin?

---

Pilit kong iminulat ang aking mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala. Nanatili akong nakahiga sa malambot kong kama habang inaaalala ang ilan sa mga panaginip ko. Parang totoo ang lahat. Mabigat ang pakiramdam ko sa oras na ito habang pilit kong hinahalungkat sa isipan ko kung kailan nangyari ang mga napanaginipan ko pero wala na akong maalala.

Panaginip ko lang ba talaga yon pero bakit parang may kakaiba.

Malalim akong humugot ng hininga bago napagdesisyunang bumangon. Napatingin ako wall clock ko at laking gulat ko ng makitang alas otso na pala nang umaga.

"Damn! May klase pa akooooo" Inis na sigaw ko at dali daling pumasok sa banyo upang maligo at mag ayos.

Pagkatapos kong mag ayos heto na nga at dali dali nakong lumabas ng kwarto ko pababa ng hagdan.

"Alee? San ka pupunta?" Natigilan ako sa nagsalita sa likuran ko. It's bella.

"Papasok sa school"

"What? Eh Saturday ngayon" Bumagsak ang panga ko sa sinabi nyang iyon

"Ha?" Napapanganga kong saad at tsaka tumingin sa wristwatch ko. Sht. Oo nga sabado nga pala ngayon. I glanced at her na ngayon ay nagpipigil na ng tawa . Oh this is not so you bella.

"Ahh, hehe h-hindi ko napansin" Iwas tingin ko nalang. Bat parang naiilang nako sa kanya? Simula kase nang mapunta sakin yung atensyon ni clein hindi na din nya ako kinakausap. Ngayon nalang ulit. Hmm may magandang nangyari kaya sa kanya.

HAUNTED APERTUREWhere stories live. Discover now