Chapter 2:

72 36 5
                                        

Aleeza Pov's.

Today is the day we're waiting for.


Saturday! Adventure time and I'm so excited and I know my friends were, too.

Habang naghahanda ako may narinig akong kalabog sa may storage room namin. Ang lakas non pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yon . Baka si Manang mildred lang 'yon.

"Manang?" I called out.

Pero walang sumasagot. Busy lang siguro kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa storage room kase may kukunin din ako don.

Nandun yung lumang camera na binigay sakin ni mommy nung 15th birthday ko. Mahilig din kase ako mag-collect ng cameras and I also love taking pictures.

Ewan ko ba kung bat bigla kong naalala yung Camera na 'yon. It's my favorite among the cameras I own.

Binuksan ko ang pinto, at sari-saring lumang gamit ang sumalubong sa paningin ko. May mga larawan na nakasabit sa ding-ding na halos nababalutan na ng makapal na alikabok.

Hayys... hindi ba nila to nililinisan?

Habang naghahalungkat ako sa lumang cabinet ay may isang photo album ang bigla nalang nahulog mula sa ibabaw at bumagsak sa tabi ko.


Nakabukas itong nalaglag kaya agad kong nakita ang isang lumang litrato.

An old picture of my Mom...

Smiling like an angel.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

I miss her.

Paglipat ko sa kabilang pahina, may isa pang litrato ng isang babae na halos kamukha ni mommy.

She must be her twin sister.

Habang nagpapatuloy ako sa pagbubuklat, may isa pang photo album ang nahulog- deretso pa sa ulo ko.

" Aray..."

Napalabi ako habang pinupulot 'yon.

Aleeya Merlin Album

'Yon ang nakalagay na pangalan sa harapan nito.

Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang iba't- ibang larawan ni tita Aleeya.

She's as beautiful as my mom.

Pero ang ipinagtataka ko lang, ni minsan ay hindi ko siya nakita o nakilala. Hindi rin naman nagkukwento si Mommy tungkol sa kaniya.

Nang ilipat ko sa susunod na pahina, isang larawan ng antique na camera ang bumungad sa akin.

"My grandmother's birthday present to me. It's the very best gift I've ever had."

Nakasulat iyon sa ibaba ng litrato.

Muli kong tinignan ang camera.

Ang ganda naman ng model nito.

Kaya siguro mahal na mahal niya 'yon.

HAUNTED APERTUREStories to obsess over. Discover now