KANINA pa ako pabalik balik ng lakad dito sa living room, hindi ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling yung takot na nararamdaman ko dahil sa panaginip kong iyon. It was just a dream pero natakot ako.
It will come to us.
It will kill us one by one.
Get rid of it.
Get rid of it.
It will haunt us to death.
Papatayin din nya kayo Aleeza
Papatayin nya din kayo
Alee, Itapon mo na.
I shook my head nang maalala ko yung panaginip ko. Parang nay kakaiba kasi.
Alee, Itapon mo na.
Alee, Itapon mo na.
Alee, Itapon mo na.
Argh! Napaupo ako sa inis dahil sa paulit ulit na boses na naririnig ko. Parang nag eecho sa isipan ko ang boses na yun. Ano bang kailangan kong itapon?
"Aleeza"
Napabalikwas ako sa kinauupuan kong sofa nang marinig ko ang malamig na boses na yon.
"Reiz" Mahina kong tawag sa pangalan nya. Dahan dahan syang lumapit sa kinaroroonan ko at naupo sa tabi ko.
"How are you?" He asked. Liningon ko sya ng may nagtatanong na mata. Magkasama naman kami maghapon.
"Okay lang naman, bakit?" Tipid kong ngiti sa kanya. Hindi na nakakatakot ang aura nito ngayon hindi kagaya kanina na sobrang seryoso ng mukha nya.
"Anong bakit? Masama bang tanungin ka?" Taas kilay nyang tanong kaya natawa nalang ako.
"Pabago bago kase mood mo. Kanina hindi moko pinapansin, iniwan mo nga ako e. Tapos ngayon parang naging maamo ka na naman. Hahaha" Natatawang saad ko. Tinitigan lang nya ako.
"N-nanliligaw na ba si clein sayo? " Nawala ang ngiti ko sa tanong nyang iyon tsaka sya muling nilingon. Umiwas naman ito ng tingin sakin at napapalunok na nakakunot ang noong nakatingin sa nakapatay na TV.
"Oo" Deretsong sagot ko. Malungkot nya akong nilingon.
Bakit? Akala ko ba kapatid lang turing mo sakin? Bat parang malungkot ka, Reiz?
"I s-see" Nauutal nyang sagot tsaka tumayo sa kinauupuan nya at akmang lalakad palayo pero hinuli ko ang kanang kamay nito
"Reiz, may problema ba?" I asked kase nakakaconfuse yung pinapakita nya sakin. Hindi ko alam kung nasasaktan ba sya dahil may nanliligaw sakin na iba or hindi lang talaga sya masaya. Pero bakit naman?
"Nothing". Bumalik na naman sya sa pagiging cold.
" Gusto kong malaman, iniiwasan mo ba ako?"
"Bat ko naman gagawin yun?" umiwas sya ng tingin sakin dahilan para hindi ko mahuli ang mga mata nito.
"Ilang araw mo na din akong hindi pinapansin. Mula nung namatay si Jade". Naluluha kong saad.
That's true, simula nung mawala sya, ngayon nalang din nya ako nilapitan at kinausap. We're living in the same roof pero nilalagpasan lang nya ako kapag nagkakasalubong kami sa kusina, living room and sa hallway ng bahay.
"Dahil nandyan naman si clein" He said nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Pero ikaw ang kailangan ko Reiz. Ikaw ang gusto ko.
YOU ARE READING
HAUNTED APERTURE
Mystery / ThrillerA young photographer's passion for capturing life becomes a doorway to the afterlife. After her untimely death, her camera, once filled with memories, becomes a keeper of justice.. Years later, the camera re-appeared, luring the unsuspecting girl in...
