Chapter 14: Unknown caller

7 5 1
                                        


ALEEZA:

Two weeks have passed by so quick at nalalapit na din ang final exam namin. Napagdesisyunan muna naming magkakaibigan ang umuwi sa kanya-kanya naming mga bahay upang makapaghanda at makapagfocus sa nalalapit na final exam. Pero imbes na makapagfocus ako, parang mas lalo lang atang gumugulo ang isip ko ngayong nandito ako sa bahay.

There were memories that kept flushing in my mind but they're unrecognizable. Hindi ko mawari kung part ba yun ng memories ko or it was just a dream. Sobrang kakaiba at wala din akong maalala na ganong nangyari sa buhay ko.

Pero kapag pumapasok sa isip ko ang nga iyon, parang naghahatid ito sakin ng kakaibang lungkot. Feeling ko may kulang sa pagkatao ko at hindi ko alam kung ano.

Am I just missing my parents? Or there's something more I need to know?

I sighed as I glanced at the photograph in my study table. It was a picture of me, daddy and mommy when I was 14. It was also their last visit dito sa pilipinas.

Kinuha ko iyon at pinakatitigang mabuti. We were so happy that time, parang walang problema si mommy at daddy. Naalala ko ito yung time na nagtalo silang dalawa dahil ayaw pumayag ni mommy na turuan ako ni daddy magmaneho ng kotse. Pero dahil spoiled ako kay daddy, pinagpilitan nya hanggang sa wala nalang nagawa si mommy kundi panoorin kaming dalawa ni daddy.

Napangiti ako ng maalala ko ang panahon na yon. Ang sarap bumalik sa panahong kasama ko kayo palagi mom, dad.

Napayakap ako sa litratong hawak hawak ko at tahimik na umiyak. Bakit pakiramdam ko ngayon, nag iisa nalang ako?

Sa pag iyak ko'y unti unti na rin akong dinalaw ng antok kaya nalagdesisyunan kong matulog nalang.

---

"Nandito ba sya?" It's mom's voice.

"She's inside her room. Already asleep" Dad voice.

Teka, umuwi na ba sila?

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero bakot parang ayaw ng isip ko gawin?

I miss their voices.

"I'll check her" Mom voice.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero nanatili akong nakapikit.

If it was just a part of another dream, then I don't wanna wake up.

"Sweetie, Sorry"

Her voice is so sweet, soft and gentle. Yung boses na nakakapagpakalma sakin kapag umiiyak ako, kapag nagmamaktol ako. I really miss her but why is she saying sorry?

"Hon, don't wake her up" Narinig kong sabi ni daddy

"Yeah, I just want to see her but I'm done. Let's go"

Ilang sandali pa ay wala na akong narinig na tinig sa loob at labas ng kwarto ko. Marahil ay nakaalis na sila.

Kinaumagahan ay excited akong gumising dahil nasisiguro kong sila mommy at daddy ang narinig kong nag uusap kagabi.

Dali dali akong nagtungo sa banyo ko at naghilamos ng mukha, nagtoothbrush and nag ayos ng sarili. Pagkatapos nun ay lumabas nako sa kwarto ko at bumaba sa hagdan, kitchen agad ang tinungo ko sapagkat naririnig ko ang ingay ng mga kubyertos. Marahil ay nandon sila mommy.

HAUNTED APERTUREWhere stories live. Discover now