Hug
HINDI ko lubos maisip kung ano magiging reaksiyon ko matapos niyang sabihin iyon. Tila nadagdagan ako ng tinik habang mananatili ako rito sa mansion nila.
"Hays! Dinagdagan niya lang problema ko," irita kong sabi sa aking sarili, tinitignan ang kaniyang binigay na keychain.
"Have you seen, Mr. Sorenn?" tanong sa akin ng isang princesses dito.
Tinignan ko ito. "I'm sorry, hindi po e'," nilagay ko sa aking gilid ang keychain na bigay nito.
"Okay, thank you," nagmadali na itong umalis palayo sa akin.
Mabilis nawala si Sorenn matapos nitong magsalita at mayakap ako. Hindi ko alam para kasi akong nakakaramdam ng hit and run. Hug and run ang atake. It makes me uncomfortable but it makes me calm. It's really a mixed emotion.
Nakatingin pa rin ako sa keychain na binigay niya at naglakad na papunta sa aking kwarto dahil ang trabaho ko ay mag uumpisa pa naman sa pasukan which is next week pa. Wala pa ako napipiling major and I need to familiarize and finalize it within this week.
Bigla akong nauntog sa isang pader na medyo malambot. Hindi siya pader na literal kaya agad ko itong kinapa.
"Did you like it?" tanong nito at nagulat ang dalawa kong mata matapos kong makita ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. He is not part of Lefevre, for sure.
"I'm sorry po," lumayo ako rito at ito naman ay nakangisi sa akin.
"Kala ko nagustuhan mo e," matawa nitong sabi.
Mukha itong manyakis na parang takam na takam sa katawan ng isang tao kung umasta. Unang kita ko pa lang dito ay ayaw ko na ang presensiya niya. Ang hangin niya. Mayabang!
"Kuya Giuliano, where are you?" nadinig ko ang pamilyar na boses. It's from Solenn.
"I'm here!" sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.
"There you are," nakangiti nitong pagsalubong at binigyan niya nang mariin na yakap. "Oh you meet, Nico na?" pagtatakang tanong niya.
"Oh, Nico. The genius one?" tanong din nito pabalik.
Napatingin lang ako sa kanila habang unti unting umaatras para sa ganoon ay maiwan ko na sila. Wala din naman akong interest sa lalaking iyon. Nararamdaman ko na wala siyang maidudulot sa akin.
"Probably, but let's go to sala na," paanyaya ni Solenn kaya nakangiti lang ako sa kanila habang paalis na ang mga ito.
Ngunit ang malagkit na tingin ng lalaking iyon ay nanatali habang sila ay naglalakad papalayo.
Huminga na ako nang malalim at naglakad na muli. Buti naman may nagawang tama si Solenn matapos niya akong sigawan kanina. Kala ko siya na 'yong mother ng Lefevre, hindi pala.
Patuloy akong namamangha sa angking ganda ng mansion nila na kung saan ako ay patuloy na nakangiti sa tuwing nadaan ako rito. Tila may magandang pahiwatig na mag e-enjoy ako sa aking magiging trabaho.
Hanggang sa marating ko na ang sala. Puno ito ng mga tao, hindi lang basta mga tao- halata sa lahat ang pagiging sosyal nito. Nandoon sina Madame Esme, Jorenn at Solenn ngunit hinanap ng mata ko si Sorenn pero wala siya rito. Nilibot ko pa rin ang mata ko at doon ko na nakita si Sorenn sa pintuan habang nakatingin sa labas tila malalim ang iniisip. Ito ay tahimik na nagmamasid at walang kumakausap dito.
BINABASA MO ANG
Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)
Любовные романыSorenn Aldric Lefevre, known for his wealthy and prestigious Lefevre family, has long lived a life of privilege and success. However, a past loss to someone of humble origins, Nico Javier Reyes, has left a mark on his life. Fate brings them together...