Chapter 4

29 5 0
                                    

Maids


NAIWAN na kaming mga katulong sa sala habang ang buong pamilya nila ay umalis na. Papunta na ako sa aking kwarto at huminga ng malalim matapos malaman na tatlong bugwit ang aking babantayan.

Kumpleto ang paa, ang kamay, ang mata, may ilong, may tenga. Siguro kulang sa pag iisip ang talo ko sa kanila.

Napansin kong may nasunod sa aking likuran kaya ako ay pasimpleng nalingon dito. Kaya imbis na pumasok ako sa kwarto ay nilibot ko kunwari ang bahay na ito para sa ganoon ay makita ko ito kung patuloy siyang susunod. Ngunit sa tuwing nalingon ako ay nawawala ito. Alam kong nagtatago ito.

Naglakad lang ako nang diretso at hindi lumingon sa aking likuran ngunit nararamdaman ko na nasunod pa rin ang tao sa aking likuran.

"Isa pang sunod mo sa akin makakatikim ka," matapang kong bulong habang ang aking mata ay tumitingin sa aking gilid.

Naisipan kong pumunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo kung sakali ito ay may masamang gawin sa akin.

Ito ay nagpatuloy sa paglakad papalapit sa akin kaya nagmadali ako kumuha ng gamit. Matapos kong makakuha ng gamit ay humarap ako sa tao na nasa aking likuran.

"Sino ka?!" gulat kong sabi at tinutok ang chopping board.

"Chopping board, really?" ngisi ng lalaking nasa harapan ko. "You won't kill me using that thing."

Natawa ito sa aking harapan habang ito ay tinutok ko sa kaniya. It's Jorenn, Sorenn's brother.

"Sorry po..." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang sumulpot si Madame Esme.

"What is happening?" pagtatakang tanong nito.

Nang makita ko siya ay dahan dahan kong ibinababa ang chopping board mula sa aking likuran. Nakakahiya man pero it's just protection.

"Nothing mom. It's just," huminto sa pagsasalita si Jorenn at tumingin sa akin. "He's really cute."

Nakita ko ang mapang asar na mukha ni Madame Esme. Alam ko na agad kung kanino nagmana itong si Jorenn.

Nakatingin lang ako sa kanila habang sila naman ay nakatingin sa akin.

"Sige. I wait you in the car. Get some food also," sambit ni Madame Esme at umalis na.

Naiwan kaming nakatingin sa akin si Jorenn at habang malayo naman ang tingin ko rito.

"I saved you for the first time."

Hindi ko ito pinansan ang nag umpisa kumuha ng pagkain.

"Ano po ba need niyo pagkain?" tanong ko rito.

"Ganiyan ba lugar niyo? Hindi kayo marunong rumespeto sa mga boss niyo?" sabat ni Solenn habang ito ay nakahawak sa kaniyang bewang.

Napatingin naman ako rito at napayuko. "Sorry po," tanging sagot ko.

Lumapit si Jorenn dito at hinawakan ang balikat nito. "Solenn. Don't be so hard to him."

"Bakit, naha-hard ka ba sa kaniya?"

Nagulat ako sa pagbalik na tanong nito at parang hindi ko kakayanin ang bunganga niya. Higit sa matabil aba parang sirang plaka lang sa kamalditahan niya.

"Loko ka talaga, let's go na nga," sabi nito at hinila na si Solenn palabas ng kusina.

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang bumulaga sa akin ang tatlong katulong na nagmula sa dirty kitchen.

Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon