Prelude

93 19 8
                                    

Painting

MASARAP ang simoy ng hangin habang hawak hawak ang libro na kung saan naghahanda para sa mahalagang entrance exam na kailangan kong asikasuhin.

One last touch for me to have a key on a college level. Kailangan ko ang scholarship na ito at kailangan ko ang pag aaral na ito.

"Nakatulala ka na naman!"

Nabuhayan ako nang bigla akong gulatin ng kaibigan ko na si Liora.

"Ang tagal mo kasi," pagmamaldita ko sa kaniya at tinarayan ito.

"Sino ba kasi nakaisip na mag review for entrance tapos ganito pa kalayo sa mga bahay natin?" nakatingin ito sa akin na parang sasakalin niya ako sa sobrang simangot nito.

"You know na paborito ko itong lugar na ito. This is my my comfort place where I found peace to stay focus and be positive all the time."

Nakita ko itong tumingin sa paligid at tumingin sa akin.

"What?" tanong ko sa kaniya.

"Like... for... real?" bigay diin niya habang hawak hawak ang katawan niya na tila nilalamig, "Literal na peace na ito, Nico. Look at this place puro patay na ang mga kasama natin," lumapit ito sa akin habang umaaktong takot sa paligid. "What if someone watching us? Tapos gusto niya na pala tayo isama sa hukay. No, no, no, no! Ayoko pa okay!?!"

Hindi ko mapigilang tumawa sa kilos niya habang nakatingin pa rin ako rito.

"Are you done?"

Tumango ito at tumabi sa akin.

"Don't act like this is our first time here, Liora. Ilang taon na kitang kasama at palagi naman tayo nandito."

This is literally peace dahil mga naka rest in peace na ang mga naninirahan dito dahil ito ay isang libingan na lamang. Tahimik, presko ang hangin at wala masyadong taong dumadalaw dahil ang lugar na ito ay looban.

"But still, Nico. Hindi mo pa rin matatanggal ang takot na nararamdaman ko sa lugar na ito."

Tumingin ito sa akin at nakita ko siya sa harap ng puntod ni mama.

"Sorry po, Tita Ninette. Hindi ko po sinasadya na matakot pero kung sakaling may lumapit po sa akin, pagtanggol niyo po ako."

Nakita ko itong nakaluhod at tila nagmamakaawa sa puntod ni mama. Hindi ko mapigilan ngumisi sa kinikilos niya.

"What if si mama ang manakot at sumundo sa 'yo?"

Bigla itong tumingin sa akin nang masama at binigyan ko lang siya ng malakas na tawa.

"Huy, huwag ka nga maingay masyado. Wala ka kamong respeto sa mga natutulog."

"Gusto mo ba gisingin ko sila?"

"Tangina mo, Nico. Tigilan mo pag aadik mo!"

Lumabas ang tapang ni Liora habang ito ay nakatingin sa akin ng masama. Hinampas niya ang aking braso at napahawak naman ako rito.

"Loka ka kasi. Ano ba kasi 'yang amats mo at bumabalik pa rin ang takot mo sa lugar na ito?" matawa tawa kong tanong sa kaniya. "Hindi ba nangako tayo na rito tayo ililibing ng sabay?"

"Alam mo, Nico. Ang dami dami mong pwedeng isipin. Sigurado ka bang kamatayan plans pa natin ang uunahin mo?"

"Sabi ko nga. Ang priority natin ay mag review kaya tayo nandito."

Huminga na ako nang malalim at binuksan na ang pahina ng librong hawak ko.

Sa friendship diba may paniniwala na habang tumatagal kayo, kasama na sa list niyo ay kung saan kayo ililibing parehas. Isa kami ni Liora sa naniniwala roon. Dahil matagal na rin ang friendship na mayron kami. Siguro a decade na rin kung bibilangin.

Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon